FRIENDS...
Gaya ng inaasahan ko ay nagalit ng sobra si Clyde sa asawa ko. Sa sobrang galit niya ay handa na siyang lumuwas papunta lungsod para lang sugurin ang asawa ko. At mas lalo pa siyang nagalit ng sabihin kong buntis ako.
"Walng hiya ang lalaking yan!! Kung alam ko lang sana ay hindi na lang ako nagparaya!! At ang lakas niyang gumawa ng bata kung hindi naman niya paninindigan!!" Galit na galit niyang wika habang ako naman ay natataranta.
"Clyde please huminahon ka muna okay. Ako lang naiistress sa mga sinasabi mo. At ayokong maistress dahil masama yon sa baby ko." Pagpapahinahon ko sa kanya na siyang kinakibot ng labi niya.
"Sorry Radleigh." Pagpapahingi niya paumanhin bago siya lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"Kasalan kasi ito ng hayop mong asawa kaya nagagalita ako ngayon!" Inis niya sabi na siyang bahagya kong kinangiti. Ang suwerte ko talagang meron akong Clyde na nagaalala para sa akin ng sobra-sobra.
"Hayaan mo muna yung gagong yon. Gusto ko ng kumain, guntom na guntom na kami ng baby ko." Nakanguso ko sabi na siyang kinatawa niya.
Nang matapos kaming makakain ay nagpahinga na kami sa kanya kanya naming kuwarto. Kagaya parin kagabi ay hindi parin ako makatulog dahil iniisp ko parin ang lahat ng mga nangyari. Iniisip kung papaano nagsimula ito lahat. Kung paano ako nagsimulang maghiganti.
Dalawang linggo na ang nakakaraan matapos kaming maikasal ni Aristaeus. At sa dalawa linggong iyon ay wala pang namamagitan sa aming dalawa. Madalas kasing wala siya sa bahay kung nandito man siya ay halos hindi niya ako pinapansin. Iisa lang ang kuwarto namin pero pakiramdam ko ay wala din siya dahil hindi ito tumatabi sa akin sa pagtulog. Madalas ay sa couch na sa loob ng kuwarto namin siya natutulog. Pakiramdam ko ay wala akong asawa na pinaksalan.
" Just stay here meron lang akong kakausapin." Wika ni Aristaeus bago ito umalis at iniwan akong mag-isa sa table namin. Nasa isa kaming malaking event ngayon at lahat at ng mga business tycoons ay nandito ngayon.
Habang nakaupo ako magisa ay hindi ko maiiwasan pagmasdan ang buong lugar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa ganitong set up ng buhay. Pakiramdam ko ay may hinhanap parin ako at hindi ko iyon matukoy.
Napaawang ang labi ko ng mapadako ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki. At iyon ay walang iba kundi si Elliott at may kasama itong magandang babae. Yun siguro ang asawa niya na si Maisie.
Bago kami ikinasal ni Aristaeus ay may binigay na envelope sa akin si papa na naglalaman ng mga bagay patungkol kay Elliott at kay Estefan Montenegro. Isa din sa ibinigay niya ng araw na iyon ay ang revolver. Nagulat din ako ng malaman na alam niyang nagaaral ako ng mix martial arts sa America. Pero imbes na pagalitan ay suportado niya ako sa gagawin kong paghihiganti.
Maraahan ako tumayo at pasimple sanang lalapit sa may gawi nila. Pero may isang kamay ang humigit sa bewang ko.
"I told you stay there pero imbes na makinig ka sa akin ay sumusumpong nanaman yan pagiging matigas mo ng ulo." Pagalit niya wika sa akin na siyang lihim kong kinairap.
" Eh sa wala akong magawa, atsaka puwede ba alis mo yang kamay mk sa bewang ko." Pagalit kong wika pilit ko pa sanang inaalis yung kamay na kahawak sa bewang ko ay mas lalo niya pa iyon humigpit sa pagkakahwak sa akin.
" Psh... just follow my lead Radleigh. Don't be a so stubborn kung ayaw mong sabihin ko kay papa yung ginawa mo doon sa investor noong isang araw." Psh... namblblack mail pa kainis. Kaya dahil sa pananakot niyang iyon ay wala ako nagawa ako kundi sumunod sa sinasabi niya.
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...