Chapter 25

58 1 0
                                    

 RUNNING AWAY...

" Maghiwalay na tayo. Let's get annulled this marriage." Seryoso niyang wika na siyang kinasikip ng dibdib ko. Para bang may maiinit na kamay na humawak doon at walang hinto niya iyon pinipiga. Sobrang sakit... parang atang kakapusin ako ng hininga sa sobrang sakit.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya na siyang marahan niyang kinatango.

"Yes. Tutal ang dahilan naman bakit tayo nagpakasal ay dahil lang sa kagustuhan ni papa. Kaya ayos lang siguro na maghiwalay na tayo. Atsaka ikaw na ang bahal sa anak mo. Hindi ako mahilig sa mga bata."Malamig niyang sabi sa akin na siyang kinabagsak ng balikat ko.

"Okay let's do it." Pinilit kong ngumitI ng napakatamis sa kanya. Kung heto lang ang paraan para mapasiya kita Aristaues sige gagawin ko. Kahit masakit ay kakayanin ko para sayo.

Parang ngayon ko na ata pinagsisihan ang lahat ng mga ginawa ko. Kung hindi ba ako nagfocus sa paghihiganti ko magkakaganito ba kami? Kung alam ko lang na magiging ganito ay baka hindi ko na lang ginawa. Tama nga ang kasabihan na sa huli ang pagsisisi.

Napakasakit lang isipin kung kailan magiging maayos na ang lahat ay ngayon pa nagkakalabuan. Kung kailan handa na akong magsimula ng bago buhay kasama siya ay ngayon pa natapos ang lahat.

"I'll give you enough time to pack all your things. At gusto ko pagbalik ko ay wala ka na." Malamig niyang sabi bago lumabas ng kuwarto ko. Nang makalabas ay doon nagsimula nagsituluan ang mga hula ko. Pero agad akong iyon pinunasan at nagmadaling lumabas ng kuwarto ko. Mabilis kong sinundan si Aristaeus pababa. Saktong ay ilang hakabang palang kay naabutan ko siya. Mabilis ko siya niyakap mula sa likod, naramdaman kong paninigas at pagkagulat niya sa ginawa ko.

"Huwag ka na lang umalis please." Pagmamakaawa ko sa kanya, pero imbes na mangyari ang inaashan ko ay taliwas iyon sa ngayari. Dahil marahan niyang inalis ang kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya at marahan humarap sa akin.

"I can't Radleigh. I can do this anymore. Masyado na akong napagod. " Malungkot niyang wika na siyang kinaawang ng labi ko.

"Then rest..." sagot ko sa kanya na siyang kinailing niya. Naramadaman ko naman ang pananakit at paninikip ng dibdib ko.

"Hindi iyon madaling gawin Radleigh. Masyado na akong napapagod sa set up namin. Masyado na akong pagod magtiwala sayo na paulit ulit mong sinisira." Pagod niyang sabi na mas lalong kinasikip ng dibdib ko.

"Tulad ngayon, ang sabi mo ay pumunta ka sa kaibigan mong sinugod sa hospital pero ang totoo ay nakipaglita kay Elliott." Saad niya na siyang kinagulat ko.

"How did you know?" Tanong ko sa kanya na siyang kinangiti niya sa akin ng sobrang pait.

"Narinig kitang kausap mo siya kagabi Radleigh. Tapos sasabihin mo sa akin na magtiwala ako sayo pero palagi mo na lang akong binibigyan talaga ng dahilan na hindi kita pagkatiwalaan." Malamig niya sabi na siyang kinayuko ko. Pakiramdam ko ay wala akong mukha maihaharap sa kanya sa sinabi niya.

"Tell me kung ikaw yung nasa sitwasyon ko hindi ka ba magagalit huh? Ilang beses mo na akong niloko! At heto naman akong si tanga na nagpapaloko sayo. Tama na Radleigh!! Tigilan na natin ito, huwag na natin patagalin." Wika nito sa akin na siyang kinaluha ko ulit.

"At alam mo yung masakit huh Radleigh?! Hindi ako naiinis sayo kung hindi sa sarili ko dahil sa katangahan ko!! " naiinis nitong sabi pagkatapos ay ginulo ang buhok niya.

"Anong nangyari dito?" Napakagat ako ng labi ng marinig kong tanongin kami ni Nanay Lourdes.

"Nay aalis muna ako saglit, itanong mo na lang sa magaling mo alaga yung ginawa niya paulit-ulit na panloloko niya sa akin. Itanong mo rin sa kanya kung bakit niya nagagwang matulog kasama ang hayop na lalaking iyon?!" Mariin at galit niya wika na siyang kinahagulgol ko. Alam kong nasaktan ko siya ng ganito at siguro tama lang ang ganito. Tama lang na siguro talaga na pakawalan ko siya. At tama rin naman siya dahil ilang beses ko din namang sinira ang tiwala ko sa kanya.

In Your EyesWhere stories live. Discover now