Forgotten...
Mabilis lumipas ang dalawang linggo magmula noong magbirthday si Blaire at magmula ng magdate kami ni Aristaeus. Sa halos nakalipas na linggo ay naging maayos naman kahit papaano ang pagsasama namin ni Aristaues. Hindi kami masyadong nag-aaway dalawa.
Napabuntong-hininga ako kasabay ng marahang paghilot ko sa noo ko dahil sa sobrang daming paper works ang ginagawa ko. Sobrang naging busy ako nitong makalipas na tatlong araw.
Ang daming kailang ayusin at pirhaman na dokyumento galing sa opisana at galing sa mga small business ko. Dumagdag pa sa trabaho ko ang pagsasaayos ng soft opening namin ni Blaire sa scented candles namin. Mabuti na lang ay medyo nabawasan ang ginagawa ako para sa business naming dalawa dahil tumulong rin siya sa pagsasaayos nito.
Marahan ko inaalis ang reading glass ko at napapikit. Medyo nangangalay na rin ang likod sa kakabasa. Kailangan ko munang magbreak at magpahinga.
Napasandal ako sa swivel chair ko kasabay noon ay marahan akong pumikit. Hinayaan ko muna ang sarili ko sa ganoon puwesto ng bigla akong napamulat at mabilis tinignan ang calendar ko sa mesa ko.
Nanlaki ang mata ko dahil isang linggo mula ngayon ay anniversary na eye surgery ko. Halos nawala na sa isip ko ang bagay na toh dahil sa sobrang busy at dahil na rin sa dami ng ginagawa.
Ano kayang maganda gawin sa araw na iyon? Every year kasi ay palagi naming pinaghahandaan ang araw na iyon. Lalo kami ni Aristaeus at ng mga kasamahan namin sa bahay. Naging tradition na namin iyon nila papa. Kaya hindi puweding hindi palagpasin iyon.
"Kanina ka pa nakatulala diyan ah? Iniisip mo ba yung asawa mo Radleigh??" Tanong sa akin ni Blaire, ni hindi ko nga namalayang nakapasok na pala siya sa opisina ko?!
"Nope. I'm just wondering bakit ang ganda ng kisame." Pabiro kong sabi na siyang kina-iling niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at may inabot siya sa akin na folder. Kaagad ko iyon tinanggap at binasa iyon.
" Thanks Blaire. Sorry talaga at ikaw pa yung pinagawan ko nito. Hindi ko kasi malugaran." Pagpapaumanhin ko sa kanya matapos kong mabasa yung documents na pinagawa ko sa kanya para sa business naming dalawa.
"Ano kaba ayos lang yon noh. " nakangiting niya sabi na siyang kinangiti ko.
"Anyway na eexcite na ako sa soft opening natin this Friday. Sana talaga magclick yung products natin noh." Naeexcite niyang saad na siyang bahagya kong kinatawa.
"I hope so..." nakangiti kong sabi. Umakyat muna kaming dalawa at nagmiryenda. Nagkakuwentuhan lang kami saglit ni Blaire bago siya nagpaalam na umalis. Samantalang ako ay balik ako sa paggawa ng mga papaer works.
Nang hapon ay pumunta ako sa kumpanya para personal na ibigay kay Harris ang mga documents na sinend niya sa akin na need kong pirmahan.
Papasok palang ako papunta sa elevator ng mapatigil ako ng makita ang isang tao na hindi ko inaashan na makikita ko.
"It's nice to see you again Lilac." Nakangiting bati sa akin ni Angelica na siyang tinitigan ko lang ng walang kaemo-emosyon. Halos walang nagbago sa kanya. Tanging ang buhok niya lang ata ang nagbago dahil noong huling kita ko sa kanya ay napakahaba pa ng buhok niya samantalang medyo may kaiksihan na lamang ito ngayon.
"Do you have a spare time? I just want to talk with you, don't worry, no harm will be done." Nakangiti niyang pang-ayaya sa akin. Kahit labag sa kalooban ko ay gusto ko rin makausap ang babaeng toh. Halos matagal na panhon narin ng bigla nalang itong nawala ng parang bula sa buhay ko.
"Okay. Do you want in the near cafe or in my office??" Tanong ko sa kanya sa malamig na bose na mas lalong kina ngiti niya.
"A warm cup of coffee would be fine I guess." Nakangiti niyang sabi bago siya nagpati-unang lumakad. Kahit mabigat ang paa ko na sumama sa kanya ay wala akong nagawa kundi ang sundan siya.
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...