FOUR WORDS...
Nasabi sa akin ni Aristaues habang kumakain kami ng hapunan ay puwede na akong umuwi bukas.
Napansin ko talagang hindi umaalis sa tabi ko si Aristaeues. Kung saan ako nagpupunta ay sumunod din siya sa akin. Hindi naman sa di ko gusto ang ginagawa pero hindi talaga ako sanay na ganito siya. Na para bang unti-unting bumabalik na si Lachlan sa akin.
"Saan ka pupunta kapag nakalabas kana bukas??" Tanong sa akin ni Aristaeus habang nanood kami ng tv bago matulog.
"Sa condominium ko? Bakit mo na tanong?" Wika ko sa kanya bago sumisim ng tubig sa baso kong nakapatong sa side table ko.
"Seriously?!! Ang lakas ng loob mong bumalik pa doon eh muntik ka ngang mapahamak dahil mahina ang security system nila doon." Banas niya wika sa akin na siyang kinataas ko ng kilay. Ngayon ay wala na sa tv ang atensyon namin kundi sa isa't-isa na.
"Gusto ko doon, atsaka kung mapapahamak ako ay malapit lang ako sa hospital." Utas ko na siyang kinaasim ng mukha niya.
"As if na papayagan kita tumira doon." Naiinis niya sabi sa akin na siyang kinairap
"As if, din na makikinig ako sayo. Atsaka puwede ba huwag mo ako masyadong awayin naiistress ako sayo." Mahinanon kong sabi na siyang kinabuntonghinga niya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Pero dahil mukhang desisdido ka nang tumira doon, sige doon din ako titira." Determinado niya utas na siyang kinaawang ng labi ko. Luh? Bakit sasama toh sa akin??
"At sinong nagsabi sayo na puwede kang sumama sa akin?" Tanong ko sa kanya na siyang kinangisi niya.
"Ako. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ako. Kung gusto mong tumira doon ay isasama mo ako." Nakangisi niya wika sa akin na siyang kinabuntonghinga ko.
Kagaya ng sinabi ni Aristaues ay nakalabas nga ako sa hospital kinabukasan. At kagaya ng sinabi niya ay sumunod ito sa akin na umuwi sa condominium unit ko.
"May dalawang kuwarto yung unit ko, tulungan na lang kitang maglinis at mag-ayos." Wika ko kay Aristaeus habang nakasakay kami sa elevator.
"Huwag na kaya ko ng ayusin yon ng mag-isa. You should rest for a while." Wika niya sa akin bago niya pinagsaklop ang mga kamay namin.
Halos dalawang linggo na rin siyang nandito kasama ko. Habang nandito kaming dalawa ay naramdaman ko ang sobra niya pag-aalaga sa akin. Halos ayaw niya nga akong pakilusin ng unag linggo namin dahil baka mapano ako. Pero sinabi kong ayos lang ako.
Natutuwa din ako ng mapansin palihim siyang nakikibasa sa binabasa kong libro para sa mga buntis. Minsan ay napapansin kong nanood din ito sa cellphone ng mga bagay patungkol sa pagbubuntis at pag-aalaga ng bata.
Pero kahit ganoon ang ipinapakita niya sa akin ay hindi ko maiwasan magtanong sa sarili ko kung ano ba ang meron kami. Hindi sa hindi ako kuntento sa mga bagay-bagay na meron kami at pinapakita niya pero minsan kasi ay naguguluhan pa rin ako. Naguguluhan pa rin ako kung maghihiwalay parin baka kami o kung meron pang pag-asa yung kasal naming dalawa. Pero kahit alin man sa dalawa ito ang importante sa akin ay anak ko. Ang baby namin ang pinaka priority ko. Kaya kapag gumawa ako ng desisyon ay para sa ikakabuti niya hindi para sa akin.
Napabuntonghininga ako habang nakaupo ako sa upuan ko may may veranda. Ang aliwalas ng kalangitan ngayon kaya kitang-kita mo ang mga bituin sa langit.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Wika ni Aristaues bago niya inabot sa akin yung isang baso ng gatas.
"Thank you." Nakangiti ko sabi matapos kong tanggapin ang inabot niya sa akin. Marahan itong umupo sa kaharap kong upuan at kagaya ko ay napatingala ito sa kalangitan.
YOU ARE READING
In Your Eyes
RomanceMarriage is not for everyone...especially for a lady with a sad and hateful heart. Ang isang kasal ay puno ng pagibig at pagmamahalan, ngunit iba ang kasal na meron kay Radleigh. Puno iyon ng sama ng loob at pighati. Sa tatlong taon na pagsasama nil...