Chapter 36

18 1 0
                                    

Down in Flames 

Falling in love? It was nothing but a mere fantasy to me. And then, suddenly... I caught a glimpse of heaven in those eyes. Oh, those eyes! How cosmic could it be that I plummeted off to the sky and fell to those gazes? I just fell in love with him so quickly.

I  really do have a lover now and he's Alexandrus Manuel Ackerson. My Dos. 


"Guys, hurry up! Huwag na tayong mag-aksaya ng oras! Characters, mag-ayos na kayo. Those who are in charge with the cameras, pakihanda na!" Bakas ang awtoridad sa boses ni Gwen nang makarating na kami sa Gabut. 


Suminghal ako at pinagmasdan ang paghampas ng alon sa buhangin habang hinahagkan ng hangin ang aking buhok. Isang segundo ang kumaripas nang biglang sumugat ang ngiti sa aking labi sapagkat naalala ko na naman si Dos. Agad kong kinuhanan ng litrato ang dagat at ipinadala ito sa kanya. 


Ako: 

Ocean and you. Heaven. 


Ngumisi ako at napailing-iling na lamang sa aking mga pinaggagawa. Binitbit ko na ang mga bag na naglalaman ng mga gamit namin para sa shooting. Nakita ko pang nag-aayos na sina Pat at Bryce habang inaaral naman nina Alissa at Gwen ang gagawin ng mga karakter. Sumilong muna ako sa isang cottage at muling pinagmasdan ang dagat. 

Tumunog ang aking cellphone. Binuksan ko ito at nakitang nagpadala rin si Dos ng isang litrato ng gitarang hawak-hawak ng kanyang kamay. 

Oh, that petal-veined hand.


Alexandrus: 

Ikaw at ang musika, parehas kong sinisinta. 


Napapikit ako matapos basahin ang kanyang  mensahe. 

He won. He always does. 

Muli ay huminga ako nang malalim at kinuha ang bigkis ng aking katinuan sa kung saang lupalop ng aking isipan. Humihinto na naman ang paglipas ng oras sa aking paningin. Hindi alintana ang sikat ng araw maging ang mabigat na pagyapos ng hangin sa aking balat. Siya na naman ang bukod-tanging nasa isip ko. Ano ba namang kahibangan ito?


"Pati ba naman sa dagat ay kinikilig ka, Alannah?" bulong ni Jedd. Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang kanyang boses malapit sa aking tainga. 


Bahagya akong napaurong dahil sa labis na pagkagulat. 


"Bagay ka talaga sa mga horror films!" angil ko. Humagikhik siya at pinisil ang aking pisngi. Daglian ko siyang sinuway. 

"Sus! Kayo hah! Mukhang hindi na kayang tapatan ng asukal ang tamis niyo, ah! Ano? Nagpapadala ka na naman ng litrato!" panunuya niya at sinabayan pa ng isang matinding kindat.


Kumunot ang aking noo. 


"Quality time namin, hoy! Ayoko ng third wheel," tugon ko at kumindat. Saglit siyang napanganga bago tuluyang umasta na tila ba nasaksak siya ng kutsilyo at hindi na makahinga pa nang tuwiran. 


Umupo siya sa aking tabi at hinarap ako nang maigi. 


Just a Pain Reliever (Pinili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon