Chapter 41

14 1 0
                                    

Clash of Lunacy  

Destiny loathes my joy. My life is nothing but a graveyard fantasy. Damnation.  

"Alannah..." Pamilyar na boses ang umugong sa loob ng aking kwarto. 

Hindi ako nagtangkang gumalaw o sumagot man lang. Pakiwari ko'y pagod na pagod na ang aking katawan. Nanatili akong nakahiga at nakatitig sa kisame. Lumapit ang aking ina at bahagyang hinaplos ang aking buhok. 

"Bumangon ka na anak. May pasok ka pa. You'll be late," aniya. Bahagya siyang ngumiti. 

Hindi ako nagpatinag sa kanyang haplos. Pagod na pagod na ako. 

"Alannah, alam kong kailangan mo pa ng oras upang makapag-isip-isip. Huwag mo lang sana pababayaan ang pag-aaral mo," wika niya at tuluyan nang lumabas sa aking kwarto. 

Ang minsang ninais kong haplos ay kinasusuklaman ko na ngayon. Huminga ako nang malalim at pinilit ang aking sarili na bumangon. Kaya ko. Kaya ko 'to. Kaya ko pa. Kakayanin ko pa. Nand'yan pa si Dos. Hindi ako iiwan ni Dos. 

Ah.... tama... si Dos. 

Binuksan ko ang aking cellphone at sinubukang buksan ang aking mga social media accounts. Nakita ko ang sunod-sunod na posts patungkol sa bandang The Fourth. 

LOOK: The Rise of New P-POP BOY BAND 

The Fourth is composed of four members namely.....

Napakurap-kurap ako. Maraming teenagers na ang nagsimulang nagshare ng post mula sa isang fan page. 

The Fourth's viral cover of Balisong! 

A multi-talented boyband?!

Will The Fourth debut on stage with their charms and talent? 

From small gigs to big concerts na ba ang aim ng The Fourth? 

Hah... 

Bumilis ang tibok ng aking puso. Sunod-sunod na tumunog ang mga mensahe ng aking mga kaibigan. 

Alissa: 

Hoy! Trending ang The Fourth sa Facebook! 

Gwen: 

OMG! This is it! Sisikat na sila! I heard na nag-a-arrange na sila Chaim ng manager nila. 

Pat: 

Did you see it already? Viral ang The Fourth! 

Dos... Dos... Sisikat na sila. Hinanap ko ang account ni Dos at nakita kong binabaha na ito ng mga followers. Napahawak ako sa aking dibdib. 

The power of media, huh? With just one post from a fan page, they're suddenly bombarded with attention. With their faces shown and their covers revealed, they're already one step closer to their dream, huh?

My heart hates admitting the truth, but a part of me wants to change the course of fate. I wish I could ask the heavens to let me have his attention for a little longer. I want to change the present... Who am I kidding? I'm so pathetic. I should congratulate him. I should be happy. I should be grateful that the man I adore is reaching his dream. So why am I crestfallen? Why am I having these muddied thoughts?

My phone beeped causing me to shift my attention. 

Alexandrus: 

Ali, good morning! I hope you slept well last night. Kumusta ka? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a Pain Reliever (Pinili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon