Chapter 5

56 1 0
                                    

Only friends?

"GO SAPPHIRE!!!! GO! GO! GO!"


Nanginig ako dahil sa kaba at hiya. Malakas ang sigawang bumabalot sa aking tainga. Pakiramdam ko ay masusuka na ako dahil sa kaba. Nagdasal ako nang paulit-ulit at kinagat ang aking kuko para mawala ang aking kaba.


"Are you nervous, octopus?" biglang tanong ni Jedd na katabi ko. Nilingon ko muna si  Patricille na katabi si Bryce. Napabuga ako ng hininga bago tiningan si Jedd na nakanguso't tuwirang pinaglalaruan ang sariling mukha.

"Lubayan mo nga ako!" inis na sabi ko sa kanya.


Inakbayan naman niya ako at kumindat pa. Nasa likod kami ng entablado kaya walang makakakita sa amin.


"Mag-peperform na tayo."


Kinilabutan ako sa sinabi niya. Inalis ko ang kanyang kamay na nakaakbay sa akin at huminga nang malalim. Pumikit pa ako at pilit na pinupuksa ang kaba. Ngayon ko lang naranasang sumali sa mga ganitong paligsahan. Ang mga sinasalihan ko lang naman dati ay ang poster contest. Walang poster contest ngayong nutrition month namin dahil hindi raw kinaya ng calendar of activities, iyon ang sabi ni Patricille na isang officer sa Supreme Student Government Organization. 


"Let's welcome the GRADE 10 ORGANIZATION!" masiglang wika ng host na si Mr. Lyndon.

"GO GRADE TEN!! FIGHTING!!" sigaw ng mga estudyante. Lumabas na kami at pumosisyon na. Nasa harap si Patricille habang ako ay nasa likod.


Ilang segundo lang ay nag beat box na si Jake kaya mas lalong umalingawngaw ang sigawan. Nakita ko pa kung paanong tumalon-talon ang mga tao dahil kay Jake. Mas lalo akong kinabahan nang makitang may nag-vi-video pa sa amin. Kaming mga babae ay nakasuot ng berdeng damit at itim na paldang hindi naman masyadong maiksi. Ang mga lalaki naman ay puting sando ang suot at itim na pantalon. Pinagpawisan pa ako nang makita si Bryce na nagsimulang sumayaw. Tumigil na si Jake sa pagbi-beat box, hudyat na kaming mga babae na ang susunod na kakanta at sasayaw. Tumunog na ang musika kaya ginalingan ko na ang pagsasayaw. Nag-iba kami ng posisyon. From four horizontal lines ay naging v-shape ang form. Si Patricille ang nasa gitna at ako naman ay nasa unahan. I'm on the left side while gracefully dancing and singing when I heard Alissa's voice. Nagulat pa ako nang sumigaw din si Gwen.


"GO ALANNAH! PARA KAY CRUSH! MR. AB, PANSININ MO NA KASI!" uminit ang aking pisngi dahil sa hiya. Naghiyawan din ang ibang mga estudyante kaya mas lalo akong nahiya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpokus na lang sa pagkanta.


Matapos naming kantahin ang pangalawang kanta namin sa jingle ay nakisabay na sa amin ang mga lalaki para sa ikatlong kanta. Naging vertical na ang aming posisyon. Nasa harap ang mga lalaki habang kaming mga babae ay nasa likod nila. Naghiyawan pa ang mga estudyante nang mag rap si Jake. With their hotness and handsomeness, they charmed the judges and the students. I can even hear the beat of my heart when I saw Bryce's back. I want to wipe those dripping sweats. 


"BRYCE AUSTIN!!!" sigaw nila. Gusto ko rin sanang makisali sa sigawan pero mas nagpokus na lang ako sa pagkanta. Nang matapos ang ikatlong kanta ay nag-iba na naman kami ng posisyon para sa ikaapat na kanta.


By partners na ngayon. We formed a circle while dancing. I shut my eyes when I saw Jedd walking towards me. Malas ko, si Jedd pa ang kapares ko. He then held my waist and guided me as we danced to the beat of the music.

Just a Pain Reliever (Pinili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon