Chapter 4

67 2 0
                                    

Last practice

I wish I could finally find the right gear to rule my heart. I wish I could teach it to adore a man who can also reciprocate these certain feelings, but sadly, I can't. I always put myself in a place where I'm the choice that no one wants to choose. I always end up as a choice, an option. Tama pa nga bang ipagpatuloy ang daan na hindi ka naman sigurado kung matatanaw mo ba ang dulo? Tama pa nga bang turuan ang mga alon kung paano ako itataboy palayo at hahatakin palapit? Tama pa nga bang patigilin ang ulan para maramdaman ang pagdampi ng sikat ng araw sa aking balat? Tama pa nga bang gustuhin ang taong iba naman ang nais?


"Hangal!" bulong ko sa aking sarili.


Hindi ito ang tamang oras para damhin ang pighati ng kasawian. Hindi ito ang tamang oras para magpakalunod sa lungkot. Madami diyan sa tabi-tabi ang mas masakit, mas mahirap at mas nakababaliw ang pasang problema. Mas may hihigit pang sakit kaysa sa nararamdaman kong hinanakit ngayon.

Tila isang komedya lang na pag-ibig ang suliranin ko ngayon. Nakaaaliw na sa halip na pamilya ko ang aking problemahin ay mas pinili kong magluksa dahil sa iisang lalaki. Nakatatawa lang isipin na dahil sa pag-sinta, nawasak ang aking pamilya. Nakatatawang isiping ang mundo ay malayo sa imahinasyon ko. Kung maaari lang na patigilin ko ang aking utak at puso na makaramdam o makaunawa man lang ng pagmamahal ay gagawin ko. Kung maaari lang na patigilin ang takbo ng oras at ipihit ito pabalik ay gagawin ko.


"Last practice na kaya kailangang galingan natin!" wika ni Bryce at ngumiti.


Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mata habang naglalakad papalapit kay Patricille. Ngumiti si Pat at kinuha ang binigay ni Bryce na pagkain. Napabuga na lang ako ng hininga habang tinititigan sila.

Sa bawat masasayang senaryo ay may isang taong nasasaktan dahil sa kanyang nasasaksihan. Sa lagay ko, ang kanilang kasiyahan ay ang aking kalungkutan. Mali namang magalit ako. Maling magdamdam ako dahil hindi ako ang nasa posisyon ni Pat. Maling  ayusin ko ang takbo ng kuwento. Maling punitin ko ang kabanatang ito para lang hindi ko maramdaman ang sakit. Sapagkat ang totoo, hindi ko naman hawak ang takbo ng kanilang utak; hindi ko naman hawak ang pintig ng kanilang puso.


"Last practice na nga pero hindi mo pa rin ako napapansin," malungkot ang aking boses habang hawak-hawak ang papel ko.


Tinitigan ko ang ilan sa mga jingle namin. Bukas na ang paligsahan. Tamad akong tumayo nang dumating ang adviser namin at inutusan kaming mag-ensayo. Wala akong gana habang sumasayaw at kumakanta. Para bang sinasabayan ko na lang ang mga ginagawa nila para lang masabing kagrupo ko nga sila.

He will never notice me.


"Ano ba, Alannah! Ganiyan ba ang ipapakita mo bukas?!" nagulat ako sa sigaw ni Ma'am Ria.

"Sorry, ma'am."


Naging mas aktibo na ako dahil mas lalo akong mapapahiya kung hindi ko gagalingan. Tinodo ko ang aking pagsasayaw kahit nagmumukha na akong hangal sa kapipilit sa aking katawan upang sabayan ang indayog ni Patricille. Pinipilit kong gawin ang lahat para mapansin ako. Hindi ako talentado at hindi rin ako matalino kaya malabong  mapansin pa niya ako. I really pushed myself to strive harder. Ginawa ko ang buo kong makakaya para makasayaw at makaawit kahit sablay naman ang aking boses at katawan. Napapangiwi pa ang adviser namin habang pinapanood akong sumayaw. 

Just a Pain Reliever (Pinili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon