Chapter 8

60 1 0
                                    

Part of my past

"Stephie," I heard a soft and warm voice near my room. 


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kinusot ito. Napapikit din agad ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan akong bumangon at inayos ang higaan. Agad akong pumunta sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para tignan si lola. Nakaramdam agad ako ng gutom nang maamoy ko ang samyo ng niluluto ni lola.


"Good morning, momma!" masayang bati ko at kumuha ng tubig.

"Good morning, sweetie!" aniya.


I sat down on the wooden chair. I watched as my beloved grandmother placed the bacon on the table made out of glass. I gulped as my drool began to shiver in my mouth. She offered me an apple, which I immediately accepted. I smiled, with desire flashing on my face. 


"Dapat ay kumain ka ng masusustansyang pagkain. Ay nako, may mga tigyawat ka na pala sa mukha?" gulat niyang wika habang pinagmamasdan ang aking kabuuan. Napalunok ako. 


I have an average look with skin kissed with acne, and crooked teeth. I did not care any longer. I was fine, I thought. 


"Bibilhan kita ng mga pampagandang produkto!" aniya at kumindat.

"Huwag na po!" umiling ako at huminga. She rolled her eyes and sighed.

"Ako ang masusunod!" she said with finality. Tumikhim na lang ako at nagsimula nang kumain. Biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito sa aking tabi at binuksan.


Jedd:

Good morning!


Nanlaki ang aking mata at hindi makapaniwalang nagpadala ng mensahe si Jedd. Ramdam ko naman ang titig ni lola kaya ngumiti ako.


"Kaklase ko po, momma."


Itinaas niya ang kanyang kilay at mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.


"Weh?" aniya at ngumiti na may bahid na pang-aasar.

"Momma naman!" Natatawang sabi ko at nagtipa na para makapagpadala na ng tugon kay Jedd. 


Ako:

Good morning! Crush mo 'ko, 'no?


Masyadong makapal ang aking pagmumukha pagdating kay Jedd. Sa aking palagay ay kaibigan ko na siya. 

Tumunog ulit ang aking cellphone kaya binuksan kong muli ng aking messenger.


Jedd:

Asa ka!


Umirap ako at binilisan ang pagtugon sa kanya dahil naramdaman kong nakatitig sa akin si lola. Sa tingin ko ay ayaw niyang may gumamit ng cellphone habang kumakain.


Ako:

Kakain muna ako. Bye! 


Just a Pain Reliever (Pinili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon