Chapter 3

75 2 0
                                    

Friends?

How peculiar it is to mourn a question cloaked with innocence. 

My eyes moved quickly. The flowers' scent, with which it blossoms a robust desire, began to trample my soul. I could not force a word to tumble out. I was mortified. I was afraid that he might look at me with disgust. I could not bear it. 

Halos hindi na ako makagalaw dahil sa tanong ni Bryce. Nanatili akong nakayuko at dagliang pinaglaruan ang aking mga daliri. Hiniling ko na lamang ang pagtunog ng bell upang may dahilan akong lumisan. 


"You like me?" he asked with a hint of disbelief. 


His surprised look dragged me, bearing me down. I was unable to speak. Heat sparked in my eyes. I was ashamed. I did not dare look at him once more. Instead, I gazed at his friend, Jake, who was confused. I might meet the heavens within a beat. 


"Alannah."


Agad akong lumingon kay Bryce dahil sa gulat. Seryoso ang kanyang boses kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko pa nga nauubos ang baon kong pagkain!


"Ah! Gusto ba kita? Hindi ko alam! 'Wag k-kang maniwala kay Alissa," kinakabahan kong sagot.


I felt the screech of the rusty butterflies in my chest. I had nothing better to say. My face crumpled. I could sense how flustered I was. I shivered, like something was born from my heart; it was an ache. I wished to admire him without a trail, yet my friends would not even allow me. I perspired a thousand times.


"Huwag mo nga akong tawaging Alissa! Alice na lang!" Alissa mumbled and pinched me. 

"Tumahimik ka nga!" bulong ko at intinulak siya.


Nanlambot ang aking mga tuhod nang naramdaman ko ang kamay ni Bryce na humawak sa aking braso. Lumakas pa lalo ang pagtibok ng aking puso at bumilis ang aking paghinga. Hawak pa lang niya ay nanghihina na ako. I think I might kiss the lips of unconsciousness. 


"Okay, sabi mo, eh. So, I think we should be-" a voice suddenly cut him off. Napapikit na lang ako sa dismaya dahil biglang nagsalita si Pat.


Hah! It should be my very own moment with Bryce! Gusto kong sumigaw sa inis at magdabog. Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil nais kong alamin kung ano sana ang sasabihin ni Bryce! Parang sasabog ang ulo ko sa kahihintay sa kung anuman ang sasabihin niya ngunit agad na nabaling ang kanyang atensyon kay Patricille.


"Hey! That's my frappe! Why so early?" tanong ni Pat at kinuha ang frappe kay Bryce.


Napangiti si Bryce at inabot pa ang fries na hawak-hawak niya. Lumabas sila ni Pat at naiwan kaming apat dito sa loob. Ayos lang sa akin na nasira ang lunch time ko dahil si Bryce naman ang dahilan. Ano nga ba ang gusto niyang sabihin?! What a bad timing!

Babalik na sana ako sa upuan nang tawagin ako ni Jake. Agad akong lumingon sa kinatatayuan niya at nakita kong may hawak siyang fries. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.


"Oh?" lumapit ako sa kanya at pinagkrus ang aking braso.

"Uhm, eat well!" aniya at inabot sa akin ang nakalagay sa cup na fries.

Just a Pain Reliever (Pinili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon