7. FATE

1K 37 224
                                    

JEMA's POV

Mula nang mapulot ko yung wallet ni Dean sa Parking lot nang UPTown ay hindi na ako napakali. Parang gusto ko na siya puntahan agad sa address na nakalagay sa ID niya. 

Syempre concern lang naman ako sa baby ko. Baka matyempo siya sa Check point noh, andito pa naman yung lisensya niya. 

Pero, I need to think clearly muna, hindi ako pwedeng magpadalos dalos. 

Chineck ko yung buong wallet niya at pinaglalabas lahat nang laman nito. 

Pinicture-an ko isa isa yung ID's niya dito. For future reference lang hehe. 

Nakita kong Baby photo niya yung nakalagay sa Wallet niya. Ang cute!

I took a photo of it saka ko nilagay ko sa likod nang phone ko. 

Para if ever kunin niya pa rin sakin to, eh may extra copy ako. Mabuti na lang rin at nakaclear case ako kaya pwede kong pag masdan ito kapag namimiss ko siya. 

Pinalitan ko rin nang photo ko yung nasa wallet niya, para naman lagi niya ko makikita sa tuwing bubuksan niya yung wallet niya.

Malaki rin siya magbitbit nang cash, pwedeng pwede niya ko i-date kahit saan hehe. 

Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ang isang bagay na hindi ko inaasahang laman nang wallet niya. 

Bakit meron siya nito dito? Kala ko ba Good boy to? Nakakaexcite tuloy hihi. 

Nang tignan kong muli yung School ID niya ay napa isip ako... 

Should I go there? Kaya ko ba? What if magkita kami?

Pero iba ata talaga ang epekto sakin ni Dean. I just found myself standing in the School's Parking lot.

Wala eh, andito na ko. 

I think it's now or never na rin siguro. 

Huminga ako nang malalim... and started to roam around

Inumpisahan kong maglakad sa may Open Field nang Uni. 

Parang sobrang daming bumalik na memories. Sobrang nostalgic. 

A mixed of happy and sad memories.

Hindi pa man ako umaabot nang limang minuto rito ay mukhang tinulak na agad kami nang tadhana sa isa't isa. 

He's there... 

Naka upo sa isang bench nang mag isa, nakasandal sa puno, habang nagbabasa. 

Promise, sobrang gwapo niya tignan, para siyang Adonis sa paningin ko.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba to? Pero mukha kasi siyang model na pumo-posing lang doon at panggap na nagbabasa. 

Para bang bumagal ang takbo nang oras nang mga sandaling iyon.

Ang malakas na simoy nang hangin na dumarapo sa kaniyang buhok na nagdadagdag nang dramatic effects sa pang billboard shot niyang iyon. 

I quickly took a photo of him, syempre hindi ako nakuntento, vinideohan ko rin siya. 

Para akong nanunuod nang isang music video habang pinanunuod ko siya mula sa malayo. 

At nang masatisfy ako sa kuha ko ay dahan dahan ko siyang nilapitan. I removed his earphones at nakangiting bumati

"Hi, Baby!" I flashed my sweetest smile, gusto ko yung matutunaw siya at bibigay agad sakin. 

But heck no! He gave me his most disappointed look.

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon