DEAN's POV
"Sino yan?!!"
Dinig naming sigaw mula sa labas.
Sabay kaming natigilan ni Jema nang madinig namin ang sumigaw rito
Dali dali kong pinatay at pinapatay sa kaniya ang flashlight nang aming phones.
Nanatili kaming tahimik habang dahan dahang lumalapit sa pinto.
Kung hindi ako nagkakamali, ang taong ito ay dumaan sa back door, at hindi niya maaaring makita ang aking sasakyan sa main door.
Baka hindi kami makalabas nang buhay dito ni Jema.
Hinawakan ko sa kamay si Jema habang hawak ko sa kabila ang Treasure chest na pakay namin rito.
Maingat kaming humakbang hanggang sa makalapit kami pareho nang pinto.
Kinuha ko kay Jema ang susi at pinahawak ko naman sa kaniya ang Treasure chest.
Nang mabuksan ko ang pinto ay agad kong sinilid ang susi sa aking bulsa at maingat na binuksan ang pinto
"Kung sino man kayong mga pasaway kayo, kapag nakita ko kayo ay pipinuhin ko kayo nang baril ko! Saka ko isasahog sa bulalo ang mga utak ninyo!"
Dinig naming sigaw na tila boses nang isang malaking lalaki, nanlaki ang aking mga mata nang madinig ko ang pagkasa nang baril.
Hindi ko sukat akalain na sa pag papasama ko kay Jema ay inilagay ko pati ang kaniyang buhay sa alanganin. Nagpasama lang naman ako sa kaniya dito dahil natatakot ako
Hindi ko na naisip ang mga posibilidad sa mga senaryong maaaring mangyari sa amin.
Napahawak ako nang mahigpit sa kaniyang kamay saka ako sumenyas sa kaniya na huwag lilikha nang ingay.
Pinakinggan kong mabuti ang pinang gagalingan nang mga yabag
At nang makasiguro akong nasa kaliwa ito nang gagaling ay dahan dahan kong hinila si Jema sa kanang bahagi nang Warehouse.
Puno ito nang mga tambak nang kahon, kaya tiyak kong hindi agad kami makikita.
Tanging ang mga ilaw na nang gagaling sa liwanag nang buwan ang aming naging gabay sa madilim na warehouse.
Naging mas maingat ako sa paglalakad.
At nang matanaw ko na ang pinto nang main door ay natigilan ako.
Nakita ko kung gaano kalaki at nakakatakot ang itsura nito, parang mga goons sa pelikula ang tindig at itsura nito.
Makakasalubong namin siya kung tutuloy ako. Naghanap ako nang kahit ano sa sahig.
Sinenyasan ko si Jema sa naisip kong plano.
At nang may makita akong bato ay dinampot ko ito saka ko binato sa kabilang direksyon na malayo samin
Tumama ito sa kung saan at nakalikha nang ingay
"Aha! Andyan lang pala kayo ha!" sambit nang lalaki
Unti unting humihina ang mga yabag nito, hudyat na naglakad na ito palayo
At nang makahanap nang tyempo, kasabay nang aking hudyat kay Jema ay kumaripas kami nang takbo palabas nang warehouse
Ngunit hindi sadyang may nasagi si Jema buhat nang pagmamadali, na ikinalikha rin nang ingay
"Hoyyy!!" dinig naming sigaw nang lalaki
Dali dali kong binuksan ang aking sasakyan at pinaandar ito
Agad kong hinarurot ang takbo nang sasakyan, at muntik ko pang mahagip ang lalaking muntik makahuli sa amin, mabuti na lamang ay mabilis lang siyang nakaiwas.
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficção GeralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...