TOT's POV
Napapunas pa ako nang luha habang pumapalakpak sa tuwa dahil sa pag sagot ni Jho nang Yes sa proposal ni Bei.
Grabe! Dapat nauna ko eh! Kainis talaga tong si De Leon!
Inihilig ko naman ang ulo ko kay Celine habang pumapalakpak kaya napatingin siya sakin.
"Mahal, gusto mo tayo diretso kasal na agad?" sabi ko sa kaniya, bigla niyang inangat yung balikat niya para maalis yung ulo ko sa pagkakahilig sa kaniya
"Di naman mabiro nang totoo" mahinang reklamo ko
"May sinasabi ka?" masungit na tanong ni Celine habang pumapalakpak pa rin
"Ha? Wala! Sabi ko gusto ko nang cheers!" sagot ko at mabilis na umalis sa tabi niya para kumuha nang bote nang alak, bago pa man lumanding yung mabigat niyang kamay sa braso ko.
"Guys!! Cheers naman tayo dyan! Para sa success nang lintik na prank ni Bei bago mag propose" sabi ko sabay tingin nang masama kay Bei, ayun tinawanan lang ako nang mokong
Nagsikuha rin sila nang tag iisang bote nang alak at sabay sabay kaming nag-
"Cheersssss!!!"
Matapos mag cheers ay agad na lumapit sina Jema at Ced upang yakapin si Jho at syempre usisain yung singsing na suot ni Jho.
Kami naman ni Dean ay agad ring lumapit kay Bei. Unang yumakap at bumati si Dean, sumunod naman ako.
Matapos batiin at yakapin ay agad kong sinuntok sa braso si Bei
"Aray ko!" daing ni Bei
"Siraulo ka ha! Di mo ko sinali sa plano mo, kala mo makakaligtaan ko ha!" nakangusong reklamo ko sa kaniya
"Kasali ka naman ah. Ang galing mo nga kanina eh... Muntik pa mabulilyaso yung plano namin ni Dean sa sobrang hirap mag pigil nang tawa" natatawang sabi ni Bei
"Nakakatawa? Nakakatawa?" bara ko sa kaniya sabay irap
Umakbay naman si Dean sa akin
"Alam mo Tots, kung alam mo yung plano baka hindi ka maging ganun ka effective. Iba pa din yung natural talent mo" sabi ni Dean sabay tawa
Siniko ko naman siya kaya naalis yung pagkakaakbay niya sakin
"Wala man lang pumansin sakin kanina, para kong sirang plaka!" nagtatampong daing ko
"Sorry na bro, ang mahalaga naging successful yung proposal ko" natatawang sabi sakin ni Bei
"Jho, kung ako sa'yo di ako nag Yes kanina. Pagtripan ba naman tayo" reklamo ko matapos tawagin si Jho.
At dahil good mood si Jho, tinawanan niya lang ang sinabi ko
"Tapos na, naka-oo na!" sagot naman ni Celine
"Pwede pang umurong, hindi pa naman nakakakasal eh" banat ko
"Alam mo, pag sinuntok ko yung puyo mo matik may pailaw saka red carpet talaga sa bahay niyo" sabi Bei sabay tawa ni Dean
"Hamo, sagot ko Marie, saka sisiw sa ibabaw" dagdag ni Dean sabay tawa ulit nang malakas
Tinignan ko na lang sila nang masama pareho, mga loko loko. Tuwang tuwa talaga sila kapag pinagdidiskitahan ako.
Nang matapos yung celebration namin ay niligpit na namin yung mga kalat namin saka nagpunta sa kani-kaniya naming kwarto para makapag pahinga.
Bilang magkasintahan, nasa iisang kwarto lang kami ni Ced. Agad naming ginawa ang night routine namin saka humiga sa kama.
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
General FictionIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...