24. SHINE

1K 53 39
                                    

DEAN's POV

Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang huli kaming nagkita ni Jema. Nakausap ko si Mommy tungkol sa mga maraming bagay na gumugulo sa akin.

Pinayuhan niya akong bigyan muna nang ilang araw na pahinga si Jema. Kung ito nga daw nagawa akong pagbigyan, ano ba naman daw yung ako naman ang umintindi sa kaniya.

pero hanggang kailan kami maglalaro nang push and pull? nang hide and seek?

Kasi sobrang miss na miss ko na siya.

Yung kakulitan niya, yung kaharutan niya, yung ligalig niya sa tuwing magkasama kami.

Hinahanap hanap ko na yung masarap na yakap na sa kaniya ko lang naramdaman.

Kung nung nakaraan, para kong mababaliw sa kaiisip sa mga desisyon ko sa buhay, ngayon naman para kong mababaliw kakaisip sa kaniya.

Nakailang gulong na din ako sa kama at inabot na ko nang dilim. Ang dami ko nang ginawa pero hindi pa rin tumitigil yung utak ko sa kakaisip nang mga bagay na hindi ko na dapat ginagawa.

I know I don't really do this, pero eto na lang kasi yung naisip kong paraan para matigil na ko sa kakaisip nang kung ano ano, kahit ngayon lang.

Nagbihis ako, I wore a black fitted jeans, white shoes, black shirt, gray jacket and snapback.

Tumakas ako sa bahay, I didn't use my car at nag grab na lang dahil it will only create some noise kung ilalabas ko pa yung kotse.

Minessage ko si Bei na nagpunta ako sa isang Bar, para may kahit isa man lang na nakakaalam nang kinaroroonan ko in-case na ma-wasted ako dito.

Nag hanap ako nang bakanteng table sa may pinakadulo lang para hindi masyadong agaw pansin, saka ako nag order nang isang bucket nang beer.

Nasa ikatlong bote ko pa lang ako nang may lumapit na agad sa aking babae.

"Hi, mag isa ka lang?" tanong nito

Mapang akit ang kaniyang tinig, halos luwa na ang kaniyang malaking dibdib na kulang na lang ay isampal na sa akin.

Nag iwas ako nang tingin at hindi na lang siya pinansin, dahil masyadong malaswa ang kaniyang suot.

"Ang sungit mo naman baby boy. Don't worry, I like that." sambit nito

hindi ko maiwasang maalala si Jema sa uri nang pananalita niya.

Pero kahit gaano naging mapang akit si Jema sa akin, malayong malayo ang kanilang agwat.

Bigla ako nitong hinawakan sa pisngi at pilit na pinatitingin sa kaniya.

Agad naman akong umurong at hinawi ang kaniyang kamay.

"Miss, pwede bang huwag mo akong hawakan? Amazona yung girlfriend ko at hindi mo gugustuhin ang kaya niyang gawin kapag nakita ka niyang hawak mo ko" sagot ko sa kaniya

Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung unang beses na nagkita kami, kung paano niya akong saktan at kulang na lang ay ibalibag dahil sa isang misunderstanding.

"Parang wala naman siya dito. So I guess, ano man ang pwede nating gawin hindi niya naman siguro malalaman" mapang akit na sambit nito habang patuloy na lumalapit sa akin.

Umatras lang ako nang upo hanggang sa macorner niya na ako.

Kinuha nito ang tali nang aking jacket at inikot sa kaniyang daliri.

masyado siyang malapit at hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang dibdib na pilit umaagaw nang eksena. Naku po! nagkakasala lang ako.

"Eyes here, baby" malanding sagot nito at inangat ang aking mukha.

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon