33. FORGIVE

1K 42 59
                                    

JEMA's POV

From Bei's Ranch ay dumiretso kami sa bahay nila Bei somewhere in Metro Manila.

Nagpahinga lang sina Ced at Tots at maya maya ay nagpaalam na rin, habang kami ni Dean at Jho ay nandito upang hintayin ang reply ni Ms. Rachel.

Tinawagan kasi siya kanina ni Dean, at pinaalam na nais naming magpunta sa bahay ni Tatay upang doon ko siya personal na makausap. 

Sinabihan kami ni Ms. Rachel na maghintay na lang muna at tatapusin niya lang agad ang check-up nang kaniyang anak. 

Habang nag iintay, hindi ko tuloy maiwasang mag overthink, ang daming scenario na pumapasok sa isip ko. 

Na paano kung hindi na ako tanggapin at mapatawad ni Tatay dahil sa mga masasakit na salitang nasabi ko sa kaniya. 

Paano kung pagtabuyan niya ko? Paano kung sa sobrang dismaya niya sakin ay mawala na lang siya sa amin nang hindi niya pa ako napapatawad?

Biglang naputol ang aking pag iisip nang magsalita si Dean

"Nag message na si Ms. Rachel. Let's go na, baby?" tanong sa akin ni Dean

bigla akong kinabahan at nanlamig dahil sa sinabi niyang iyon. 

Huminga ako nang malalim at inabot ang kamay niyang nakalahad sa akin. 

"Couz, goodluck! Kaya mo yan, okay?" sabi ni Jho at niyakap niya ako nang mahigpit

Hindi na sila sasama sa amin ni Dean, para mabigyan kami nang privacy. 

Matapos kaming saglit na kausapin nila Bei at Jho ay umalis na kami ni Dean. 

Si Dean ang nagdadrive habang nakaupo ako dito sa passenger's seat sa harap.

Habang bumabyahe kami ay lalong hindi mapakali ang aking dibdib sa lakas nang kabog nito. 


~I'm a Barbie girl, in the Barbie world! Life in plastic, it's fantastic~


Pag lingon ko sa phone ni Dean ay nakita ko ang Caller ID nito na si Ms. Rachel

"Naknang! Pinalitan na naman ni Toti yung ringtone nang phone ko" ani Dean sabay sagot sa tawag nang maisuot niya na ang bluetooth earphone niya

Nakatingin lang ako sa kaniya, kita ko ang pag aalala sa kaniyang mukha.

"Okay, okay. We'll be there, salamat Ms. Rachel" ani Dean at binaba na ang tawag

"Ano daw sabi?" tanong ko rito

Hindi agad sumagot si Dean at naghanap nang U-turn. Nang makaliko siya ay mas pinabilis niya ang pagpapatakbo nang sasakyan. 

"Sinugod raw si Tatay Jesse sa St. Benedict Medical Center." seryosong sambit ni Dean saka hinawakan ang aking kamay

Para kong aatakihin sa kaba dahil sa sinabi niyang yon. Mas lalo akong ninerbyos, hindi ito maaari. 

Mag-aayos pa kami ni Tatay, hindi pa ako nakakahingi nang tawad sa kaniya. 

Biglang hinawakan ni Dean ang aking kamay, siguro ay halata niyang hindi ako mapalagay

"Don't think negative thoughts. Just pray, okay?" sabi niya at muling nag focus sa pagmamaneho

Tumango lang ako saka nagdasal habang binabagtas namin ang daan. 

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Hospital. Matapos makapag park ay nagmadali kaming magtungo ni Dean papuntang ER.

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon