12. CUISINE

1K 54 27
                                    

DEAN's POV

I didn't expect na gagawin agad ni Jema yung sinabi ko sa kaniya.

Sobra kong na-appreciate yung sincerity niya dahil sa ginawa niyang ito.

Ewan ko ba, pero I felt proud to see her here in our School and wearing uniform.

Bagay na bagay sa kaniya. Nagmukha siyang disente tignan.

Far from her Rider look. Which is cool din naman, pero itong white uniform niya, finally compliments her angelic face.

After our lunch ay naghiwa-hiwalay na kami. Kami nila Tots at Bei ay dumiretso na sa aming Afternoon class for our major subject.

After nang first major subject ay nagsabi ako kina Bei at Tots na mag restroom lang ako.

Paglabas ko nang banyo ay nakasalubong ko si Ponggay.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Jema ha" ani Pongs habang naglalakad kami

Sumabay siya nang lakad dahil same way lang kami pabalik sa room, galing din siyang restroom.

I didn't answer but I just smiled at her.

"Dean, look" I stopped as she stops

"I don't know what's the real score between you and Jema, but I can see something in your eyes kapag nakatingin ka sa kaniya. Bagay na hindi ko nakikita kapag nakatingin ka kay Carly. Now, do me a favor... As early as now, sana makapili ka na between the two, dahil ayokong magkaroon na naman sila nang dahilan para muling may pag agawan. Believe me, none of those two knows how to give up, not unless ikaw na ang magpapasuko sa kanila" seryosong sabi ni Pongs habang nakatingin sa aking mga mata

Pongs rarely gets serious, kaya naman kapag nagseryoso siya, ibig sabihin lang seryoso talaga siya at dapat sundin namin kung ano man yung sinasabi niya. 

"I will..." sagot ko sa kaniya

Nang makaalis si Pongs ay hindi muna ko dumiretso sa aming classroom. Instead, I texted Carly if she can meet me

Nagulat naman ako nang bigla niyang tanungin ang kinaroroonan ko at sabihing papunta na daw siya. 

I didn't mean naman na agad agad, kaso papunta na daw siya kaya naman I tell her na lang where I am.


"Hi!" bati ni Carly

She's all smiles. Lalo tuloy akong kinabahang kumprontahin siya. 

How can I break someone's heart kung ganito ang mood niya

"Uhm, Hi... U-upo ka" natetense tuloy ako

Pakiramdam ko napansin niya iyon kaya bahagyang nabawasan ang ngiti sa kaniyang labi at umupo na lang din sa tapat ko.

Andito kami ngayon sa isang bench sa open field.

"Sorry kung pinapunta kita dito, hindi ko din naman kasi alam na pupunta ka agad agad" panimula ko sa kaniya

"It's okay. It's you naman, Dean. Kaya I won't mind" sagot ni Carly

"Yun na nga eh... Ako." huminga muna ako nang malalim at muling tumingin sa kaniya

If I'm gonna confront Carly, dapat nakatingin ako sa kaniyang mga mata, so that the person I am talking to knows that I'm serious and sincere with what I says

"Carly, I don't wanna give you false hope, because... I can only treat you as a friend. I'm sorry" sagot ko at napayuko na lang ako

Hindi ko kasi kayang makita yung pain sa mga mata niya

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon