10. APPRECIATE

1K 51 10
                                    

DEAN's POV

I was flabbergasted nang malaman kong pakana ni Jema ang lahat nang ito.

Pero ang hindi ko maintindihan sa sarili ko, I was supposed to be mad pero hindi ko nagawa.

Imbis na magalit ay binigyan ko pa ang aking sarili nang pagkakataong makilala siya.

Despite all the things that she had done to me. Despite the aggressiveness and harassment.

Since when did I become a masochist?

Pero nang unti unti siyang nag open up sakin, I saw different sides of Jema.

A side of her that I didn't expect her to have.

After our double date, akala ko iuuwi na nila ako, pero ang mokong kong kaibigan, nagpaalam na pala kay Mommy na magkasama kami at gagabihin kami.

At ang matindi pa don, sinabi niyang we are on a double date!

Nang malaman yun ni Mommy ay tuwang tuwa siya. Gusto niya daw makilala si Jema and even invited her on a dinner!

Nag side trip pa nga pala kami nang batangas, bago kami bumalik nang Manila.

Ginabi kami nang uwi at saktong dinner time when we arrive in Manila.

At nang maalala nang lokong kaibigan ko ang conversation nila ni Mommy ay inuna na nila akong iuwi.

Bakit pa daw patatagalin kung pwede naman daw meet the parent na agad.

Pakialalahanan nga akong iunfriend itong sira ulo kong kaibigan ha.

Bibinggo na sakin to e. Nakakadala na.

"Mom, we're home" bati ko kay Mommy nang makauwi

Agad akong lumapit kay Mommy and kissed her cheeks.

Nakasunod lang sakin yung tatlo. Nagbeso naman agad si Tots kay Mommy at siya na ang nagpakilala sa kasama namin

"Tita, nga pala, pakilala ko po sa inyo ang aming mga future ehem! Si Celine Domingo po pala, Tita... Future misis ko po iyan" pakilala ni Tots kay Ced, sabay bulong nang huling sinabi nito kay Mom, pero dinig din naman namin

"Good evening po, Ced na lang po. Nice to meet you po, Tita" pakilala ni Ced at nakangiting nakipag beso naman agad si Mom

"Nice meeting you hija, welcome sa aming munting tahanan. Mukhang ikaw na ang magpapatino dito kay Caloy" biro ni Mom kay Ced.

"Tita naman... Eto naman po pala ang inyong future daughter-in-law, Tita. Si Jema po" pakilala ni Tots kay Jema

Tinignan ko pa nang masama si Tots dahil sa way nang pagpapakilala niya kay Jema

At nang tignan kong nahihiya si Jema ay napangiti ako

"Jessica Margarett" pagbubuo ko sa pangalan ni Jema kay Mom

"Ang ganda mo naman Hija. Magaling talaga mamili itong anak ko" sagot ni Mommy

Pakiramdam ko nag iinit yung tenga ko ngayon sa hiya dahil sa sinabi ni Mom

"Naku, salamat po. It was nice meeting you po" nahihiyang sagot ni Jema

"Ano pala ang surname mo, hija? Hindi kasi nila nabanggit" tanong ni Mommy

Napaisip naman ako, Oo nga noh? Sa dami nang napag usapan namin kanina hindi ko man lang nagawang itanong sa kaniya iyong bagay na iyon

"C-casidsid po" nahihiyang sagot ni Jema at napatango pa si Mommy

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon