JEMA's POV
"Ehem! Ehem! May kasama po kayo, baka lang nakakalimutan" parinig samin ni Tots kaya naman napabitaw na ako sa pagkakayakap kay Dean ngunit nanatili akong nakahawak sa kaniyang kamay
Nanatili siyang nakatingin sa akin, kaya naman doon ko lang din napansin ang nakalagay sa kaniyang mukha
Napatingin ako kay Ced at pinaningkitan siya nang tingin
"Idea mo tong make-up na to noh?" taas kilay na tanong ko kay Celine habang madiing binubura yung make up sa mukha ni Dean
"Aww, be careful naman po baby" malambing na sagot ni Dean pero pinaningkitan ko lang siya nang tingin
"Be careful, be careful ka dyan! Puro ka kalokohan!" sita ko kay Dean sabay balik nang masamang tingin kay Celine
"Uy, sis! Wag ako, itong si Tots ang sisihin mo, idea niya yan noh! Ako lang nagmake up" ani Ced sabay tulak kay Tots
"Oo nga, Je! Kung nadinig mo lang kung paano tumawa yang isang yan kanina. Nako! demonyong demonyo" gatong ni Bei
Tinignan ko naman nang masama si Tots at napailing naman ito agad
"Uy, wala kong kinalaman dyan ha! Si Dean pa din may idea nyan, sabi niya kasi gusto niyang maalala mo siya, malay ba naming naaalala mo na siya" sagot naman ni Tots.
Nang magbalik ako nang tingin kay Dean ay pilit itong ngumiti at napalunok pa
"I love you, baby ko" paglalambing ni Dean sabay halik sa kamay ko
Hinampas ko naman siyang muli
"Puro ka pambobola! Kahit kailan ka talaga" sita ko sa kaniya, napanguso naman na nakabusangot si Dean dahil doon
Maya maya ay dumating na si Mommy Judin."Oh, Jema anak, nakabalik na pala kayo ni Jho" ani Mommy Judin at lumapit sa akin
Agad naman akong nakipag beso kay Mommy Judin dahil ayaw nitong nagpapa-mano. Nakakatanda raw kasi.
"Opo, saan po kayo galing Mommy?" tanong ko kay Mommy Judin at pasimpleng tinignan nang masama sina Bei, nagsinungaling kasi ito kanina para lang gumana yung plano nila.
"Inasikaso ko yung mga papers dito ni Dean, pati na rin yung mga gamot na kailangan. Ako na ang bumili dahil sabi nitong si Dean ay may pag uusapan sila nila Bei." sagot sa akin ni Mommy Judin
Tinignan ko namang muli sina Bei at sabay sabay pa talaga silang tatlong umiwas nang tingin at umaktong may binubutingting na kung ano ano na lang
"Oo nga po. May pinag usapan daw po silang IMPORTANTE" sagot ko na may halong diin sa huli kong sinabi
"Kamusta naman raw yung nilakad niyo ngayon Hija?" tanong ni Mommy Judin
bigla namang sumeryoso ang aking mukha nang maalala ang pagpunta namin sa presinto kanina.
Huminga akong malalim saka isa-isang napatingin sa kanila. Lahat sila ay tila naghihintay na sabihin ko kung ano ang aming natuklasan ni Jho kanina.
"Si Niccolo po." sambit ko na labis nilang kinagulat, lalo na si Mommy Judin.
"Si Niccolo po ang may kagagawan nang lahat nang ito. Napag alaman po naming nakatakas siya sa Mental at kahapon pa raw pala pinag hahanap" kwento ko sa kanila
"Ang kapal talaga nang mukha nang lalaking yan! Wala na nga sa katinuan, ay nakuha pa ring gumawa nang masama." galit na sambit ni Tots
"Hindi na siya nakuntento sa ginawa niya sa inyo ni Myla, pati si Dean ay binalikan niya pa rin talaga" dagdag naman ni Ced
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
قصص عامةIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...