58. WHAT?

877 35 12
                                    

DEAN's POV

"A-anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko sa kaniya habang seryosong nakatingin lamang ito sa akin.

Magsasalita na sana si Tots nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Bei

"Dean, gising ka na!" gulat na sambit nito nang makita ako

Maikling ngiti ang sinalubong ko sa kaniya, at dali dali siyang lumapit sa akin. 

Nang makalapit siya ay laking gulat ko nang bigla niya kong paghahampasin sa braso

"A-aray! aray! Bakit?! stop bro!" angal ko, habang pilit iniilagan ang mga hampas niya

"Stop? Stop? ang tigas nang ulo mo, alam mo ba yung gigil ko habang hinahabol kita ha?" wika ni Bei habang patuloy akong pinagpapapalo

"Sorry na kasi" wika ko habang sinusubukang pigilan siya pero patuloy pa rin akong pinaghahampas nito.

"Tama na yan, kakagising lang nung tao. Pasyente pa rin yan si Dean" sambit ni Jho na kasunuran rin ni Bei pumasok

Hinihingal at masama ang tingin ni Bei sa akin

"Pasalamat ka inawat ako" gigil na sambit ni Bei

"Thank you??" sagot ko rito habang hinihimas yung braso ko

Aamba pa sana uli nang hampas si Bei nang awatin na siya ni Tots

Napa-pout na lang ako dahil sa nangyari, nang bigla kong maalala ang tungkol sa sinabi ni Tots kanina ay biglang sumeryoso ang aking mukha

"Si Niccolo... Nasaan na siya?" kunot noong tanong ko sa kanila

Agad namang nagkatinginan sina Bei at Tots bago muling tumingin sa akin

Doon kinuwento ni Bei na tinrack niya raw pala ako, kaya nasundan nila kami kasama nang mga pulis na pinatawag niya pa sa Uncle niya. 

Saktong pagbukas niya raw nang pinto ay siyang diretsong pagbagsak ko sa sahig. Labis raw ang naging pag-alala nito lalo na nang matunghayan niya ang malakas na paghampas nang aking ulo sa sahig. 

Patungkol naman kay Niccolo, ay agad siyang dinampot nang mga pulis kahit pa wala itong malay. 

Sabay kaming dinala sa Ospital ni Niccolo, ngunit nang magising si Niccolo ay tuluyan na itong nawala sa kaniyang katinuan. 

Nabalot kami nang katahimikan matapos nilang ikwento ang nangyari.

Magtatatlong araw na pala akong walang malay, and yet here I am, trying to absorb everything na naganap.

Magsasalita na sana ako nang may biglang pumasok sa kwarto, kasunod nito si Ced na kararating lang rin at nakaalalay.

"Myla..." mahinang sambit ko

Nakasaklay siya habang inaalalayan ni Ced, lumapit ito sa aking tabi saka nakangiting bumati

"Kamusta na ang lagay mo, Dean?" tipid na ngiting tanong nito. 

"A-ayos lang, hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?" tanong ko kay Myla habang inaalalayan naman siya ni Ced at Tots na maupo. 

Napangiti naman si Myla at saka sumagot

"Ayos lang ako, Dean. Kung ano itong nakikita mo sa lagay ko, yun na yon. I'll be fine, just give me a couple of days siguro?" ani Myla

"Weeks kamo. May bali kaya yung binti mo" singit naman ni Tots sa usapan

Nahihiyang natawa naman si Myla dahil sa sinabi ni Tots. 

Saglit na namayani ang katahimikan

"S-si..." nag aalinlangan kong sambit

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon