57. COMPULSIVE

1K 50 85
                                    

DEAN's POV

Nang magising ako ay mag isa na lang ako sa aking kwarto.

Para kong gumising mula sa isang bangungot.

Agad akong bumangon, at kahit nang hihina ako, mas namayani sakin ang kagustuhan kong mapuntahan si Jema.

while heading back to the OR ay hindi sadyang may nabunggo ako

"Dean?"

it was Ms. Rachel

"Ms. Rachel, a-ano pong ginagawa niyo rito? Andito po ba kayo dahil sa nangyari kay..." hindi ko magawang bigkasin ang pangalan ni Jema, mas lalo akong nakaramdam nang panghihina

"Tinawagan ako ni De Leon tungkol sa nangyari kaya ako nagpunta rito... but I never thought na magkakaroon pa pala nang ibang purpose ang pag punta ko rito" malungkot na sambit ni Ms. Rachel

"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kaniya

"My daughter was with Jema when the accident occured, Dean" ani Ms. Rachel labis kong kinagulat

"A-ano po? M-magkasama silang naaksidente?" tanong ko sa kaniya

"Sadly, yes" tugon niya

"A-ano raw pong nangyari? Ano pong naging cause of accident?" tanong ko kay Ms. Rachel, I tried to remain calm kahit sobrang nakakapanglambot ang mga pangyayari

"Wala pa kaming idea, Dean. Actually, binilin ko muna si Myla sa mga nurses, may nakausap na kasi akong police at papunta akong precint ngayon, gusto ko sanang sadyain na habang andun pa daw yung police officer" tugon ni Ms. Rachel

"Ganun po ba? Saan po ang room ni Myla? Kakamustahin ko rin po sana ang lagay niya" wika ko

pero iba talaga ang pakiramdam ko sa aksidenteng ito. Pakiramdam ko may dapat akong malaman.

Binigay ni Ms. Rachel ang room number ni Myla, hinintay ko lang siyang makalayo para hindi niya mahalata ang aking panghihina.

At nang makaalis siya, pinilit ko ang aking katawang makapunta agad sa room ni Myla. Para bang may tumutulak sakin na unahin ito, kaysa maghintay sa labas nang OR

kung andun pa din si Jema sa loob? hindi ko alam. Basta iba ang pakiramdam ko sa bagay na ito.


Nang makarating ako sa labas nang pinto nang kwarto ni Myla ay nakadinig ako nang boses. May kausap siya.

Maingat kong pinihit ang pinto saka dahan dahan itong binuksan upang hindi makalikha nang ingay.

May pader na nakaharang sa may pinto, kaya kahit tumayo ako sa gilid nito ay hindi agad ako makikita, not unless maglakad ako nang dalawang hakbang pa.

Tumigil ako sa gilid nang pinto at tahimik na nakinig sa pinag uusapan nila.

It was Bei she was talking to.

Doon ko lang nalaman lahat nang kahayupang ginawa ni Niccolo. Mula sa kademonyohang ginawa niya kay Carly, ang pagkamatay ni Mich at ang aksidenteng dinulot niya.

Para bang umakyat bigla lahat nang dugo ko sa ulo sa sobrang galit. Tila ba nawala nang parang bula ang kanina'y iniinda kong panlalambot nang aking katawan.

nagulat ako nang biglang may magsalita sa aking likuran... Si Ms. Rachel.

Nang nalaman nila Myla na kanina pa ako nandoon kaya naman hindi ko na pinahaba pa ang usapan. Agad na rin akong nagpaalam.

Naririnig ko pa ang pagtawag nila sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin.

Dumaan ako sa isang shortcut papunta sa nurse's lockers.

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon