JEMA's POV
Wala naman talaga akong balak lumabas nang bahay ngayon pero kanina pa kasi ako kinukulit ni Ced na samahan siya sa Nitro dahil hindi siya masasamahan ngayon ni Tots at umuwi ito nang probinsya kasama ang Mommy nito.
Si Jho naman busy daw kasama si Bei. At bilang co-owner, ay responsibilidad kong samahan si Celine upang asikasuhin ang aming Bar.
Nangako naman ito na hindi na lang magtatagal at isusundo at hatid niya na lang ako.
Tatlumpung minuto ang nakalipas mula nang makarating kami dito, inaasahan ko nang may makikita akong nakasunod sa akin.
Hindi ako nagkamali, dahil maya maya lamang ay may kumatok na sa aking opisina. Pinasasabi nang isa sa aming staff na andito si Niccolo at naghihintay sa akin sa labas.
Saglit naman kaming nagkatinginan ni Celine.
"Alam mo malapit na talaga kong mapikon dyan sa buntot mo ha. Alam niya nang hindi siya welcome dito, panay pa rin ang buntot sa'yo. Bakit ba naman kasi hindi mo pa ipagtabuyan yan eh" inis na inis na sagot ni Celine
"Alam mo namang kahit anong taboy ko, parang alon lang yang si Niccolo na pilit bumabalik sa pampang" sagot ko kay Ced.
"Besh, pag ako napuno dyan, wag mo kong pipigilan kapag inaway ko yan ha" inis na sambit ni Celine
"Beshy kalma, okay?" sagot ko sa kaniya
halos hindi kami makapag focus sa pagwowork dahil sa pang gugulo ni Niccolo.
Natigilan lang si Nicco sa pag sasalita nang biglang mag dabog si Celine
"Lintik na! Hindi ako makapag trabaho dito nang maayos dahil sa pangungulit mo kay Jema, Nicco! Alam mo, Jema? mabuti pa umuwi na tayo, dahil wala rin akong matatapos dito dahil sa bwisit na yan!" galit na sabi ni Ced
Mabilis ko lang inayos ang gamit ko saka sumunod kay Ced. Nakabuntot pa rin sa akin si Nicco.
Nagbilin naman ako sa mga staff namin na mauuna na kaming umalis ni Celine.
Nang makalabas ako nang bar ay halos hindi ko na matanaw si Ced dahil sa bilis nitong maglakad palayo.
Nagtungo na lang ako sa kung saan siya nag park nang sasakyan, hindi kasi kami nakapag reserve nang parking dahil sa dami nang tao sa Bar at biglaan rin naman ang aming punta kaya sa medyo malayo pa kami nakahanap nang mapagpaparkingan.
"Hoy, Domingo! Sinabi ko naman sa'yo na hintayin mo ko di ba?" inis kong tawag rito nang makita siyang nakatayo sa malayo.
Aking kinagulat nang makita ang dahilan nang pagtigil niya.
It was Dean.
He looked so drunk. Pulang pula ang kaniyang mukha at halos hindi na nito maidilat ang singkit niyang mata.
Ngunit nang makita ni Dean na kasunod ko si Nicco ay agad nag iba ang timpla nang mukha nito.
Halata mang hirap siyang tumayo ay pinilit nitong tumayo saka naglakad palayo
"Uy, ayos ka lang ba? Dahan dahan kasi" dinig kong sabi nang maputing babae na nakasalo kay Dean nang ma-out of balance ito.
"Yeah, yeah. I'm fine. Thanks" sagot ni Dean sa kaniya at patuloy na naglakad palayo
I can see na may pinagbubulungan sila.
"Ceddie, dito ka lang. Hintayin mo ko" sabi ko kay Ced at tumango lang ito
Maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni Nicco
"Jema, don't" ani Niccolo
I quickly removed his hand unto mine
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficción GeneralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...