DEAN's POV
Naglakad ako palayo, dahil ayokong sabayan yung galit ni Jema.
People tend to say things na nakakasakit sa damdamin nang isang tao kapag galit ito, and I don't want to do the same kay Jema.
Alam kong I might say things na pwedeng makasakit sa kaniya at mahirap nang bawiin once may masaktan ka na.
Aaminin ko, para kong sinaksak nang pana sa dibdib when she reminded me na wala na akong ama.
Fact, but still masakit pa din yon.
"Dean, wait up" it was Bei, sinundan niya pala ko.
I stopped. Nakalayo na rin naman na kami sa kanila
"Napakabilis mo talaga maglakad kapag galit ka." sabi ni Bei na hinihingal hingal pa
"Sorry. I just... I just want to get away from there" sagot ko
"Let's sit over there muna" aya ni Bei
Inaya niya kong maupo sa pile nang hay.
"Why not tell her na kasi kung ano yung dapat niyang malaman?" ani Bei makalipas ang ilang minuto nang katahimikan.
"Hindi ko kasi alam kung paano niya matatanggap ang katotohanan" sagot ko rito
"You know she deserve to know the truth, sabi mo pa nga dapat wala nang naaaksayang panahon, so ano pang hinihintay mo, Dean?" tanong sakin ni Bei
"I thought ganun lang kadali sabihin kay Jema ang totoo. Pero kapag kaharap ko na siya, parang hindi ko kayang makita siyang nasasaktan." sagot ko rito.
"Paano niya tatanggapin yung katotohanan na hindi naman talaga nambabae yung Tatay niya at may sakit na Cancer kaya nagawang magsinungaling?" dirediretsong sabi ko
at nang lingunin ko si Bei ay nakita kong nanlaki ang kaniyang mata habang nakatingin sa likod ko
Paglingon ko ay nakita ko si Jema na nakatingin sa akin
"J-jema" kinakabahang sambit ko
"A-anong sinabi mo??" nangangatog niyang tanong
"J-jema, I can explain, okay? Pakinggan mo muna ko" mahinahong sabi ko sa kaniya
Hahawakan ko na sana ang kamay niya ngunit mabilis niyang binawi ito
"Anong sinabi mo? Anong sinabi mo, Dean?!" galit at maluha luhang sambit ni Jema sa akin
Mabilis na tumulo ang luha sa gilid nang kaniyang mata ngunit, pinunasan niya agad ito.
Wala na akong magagawa, nadinig niya na. Kailangan na naming harapin ang katotohanan.
"Oo, totoo ang nadinig mo. Hindi totoong nambabae si Tatay Jesse, pinalabas niya lang yon dahil nalaman niyang may sakit siyang Pancreatic Cancer. Ayaw niyang maging pabigat sa inyo at hindi niya kayang makita kayong nasasaktan kaya mas mabuti pang palabasin niyang nambabae siya. Mas pinili niyang kamuhian niyo siya kaysa mapagod kayo sa pag-aalaga sa kaniya.
Si Ms. Rachel lang ang nakakaalam nang tunay niyang kalagayan, si Ms. Rachel din ang sumasama sa mga follow up check up niya. At lalong walang katotohanan na may relasyon sila. Jema, napilitan lang si Ms. Rachel na magsinungaling dahil nangako si Tatay Jesse na tutulong sa pagpapagamot nang anak niya, kaya sana wag ka ring magalit sa kaniya.
Burahin mo lahat nang hinanakit mo sa kanila... It's time to finally move on"
There, I finally said it.
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficción GeneralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...