35. IGNORED

950 48 27
                                    

DEAN's POV

After namin mag usap ay nagstay pa sila Bei at Tots.

Tinulungan na lang din nila ako kanina sa lecture at Homework, ayaw pa sana nila nung una dahil may lagnat pa din ako, ang kaso I need to catch up.

Pinilit ko sila kaya naman wala na silang nagawa.

Dito na sila pinaghapunan ni Mommy at after dinner at kaunting pahinga ay umuwi na rin sila.

Nang makauwi na sila ay nagpaalam na ako kay Mommy na babalik na sa kwarto upang maaga makapagpahinga para makapasok pa ako bukas.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakita kong may message sakin si Jema


Fr: JESSICARETT myloves so sweet 💖
Baby, sorry hindi ako nakarating kagabi.



Huh? Yun na yon? Yun lang yon??

Wala man lang explanation kung bakit?? Ngayon na nga lang nag message ginabi pa.

At dahil hindi ako nasatisfy sa naging reply ni Jema, binaba ko na lang ang phone ko sa lamesa at natulog na lamang

Kinabukasan,

Akala ko ay susuyuin o magmemessage man lang ang baby ko sa akin, but then again...

Wala siyang reply o kahit good morning message man lang na dati rati naman nagagawa niya kahit busy kay Tatay Jesse.

Ngayon pa kung kailan sinanay niya na ko, na pag wala yon parang hindi kumpleto ang araw ko.

Pero hindi ko maalis ang pagtataka sa akin, parang may mali talaga

"Anak, sigurado ka bang papasok ka na? Hindi ka pa magaling" ani Mommy

Hinatid niya ako hanggang sa garahe

"Yes, Mom. Hindi po kasi ako dapat mag pabaya, lalo na at graduating na ako, Mommy." sagot ko naman

Wala naman na nagawa si Mommy at kahit anong pilit niya pa sakin ay nagmatigas pa rin akong pumasok.


Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay nakita ko na si Tots na naglalakad sa hallway.

🎧🎶"Ako'y tahimik lang sa umpisa, kahit di mo ko pilitin" 🎶🎧

Hindi ko mapigilang mapatawa, kasi nakaheadphones siya habang naglalakad at feel na feel niya pa yung kanta, may pa throw it back pa nga

Dahan dahan akong lumapit para gulatin siya

🎧🎶"Meron ka bang lemon, gusto ko tequilaaaaang bayawak ka! T*ng ina ka naman Dean!!" sabi ni Tots habang nakahawak pa sa kaniyang dibdib

Bigla ko kasi siyang hinawakan sa paa

Tawang tawa ko kahit na ang sama na nang tingin niya sa akin

"Tawang tawa?? Tawang tawa ha?" sabi niya habang nanlilisik pa rin ang tingin niya sakin

"Uy, Dean! Bakit pumasok ka na?" ani Bei habang naglalakad palapit sa amin

"Uy Bei, morning. Kailangan eh" sagot ko sa kaniya

"Nakausap mo na ba yung Baby mo?" tanong ni Bei

Hindi naman ako nakasagot

"Tara na, baka malate pa tayo" sabi ko sa kanila at nauna nang maglakad papasok sa classroom

"Okay ka lang?" tanong ni Tots nang makaupo na kami

"I'm fine, Tots" sabi ko at nagbuklat na lang nang notes ko, magbabasa basa na lang siguro ako

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon