JEMA's POV
"J, I'm sorry"
"Jema, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya"
"Pare-parehas lang kayo!! Mga manloloko!"
Awtomatikong napadilat ang aking mga mata dahil sa masamang panaginip
"P*tang ina"
Katulad nang aking daily routine. Tanghali na nang magising ako. Madaling araw na kasi nang makauwi ako galing sa pag gimmick.
"Jessica Margarett! Tinanghali ka na naman! Anong oras ka na naman umuwi kang bata ka? Ako ba talaga ay papatayin mo sa kunsumisyon? Kung wala ka nang balak magtapos nang pag aaral mo, pwede ba? Gumawa ka na lang nang isang bagay na makabuluhan naman sa buhay mo?? Magtrabaho ka na lang kaya nang matuto ka kumayod?! Para malaman mo kung gaano kahirap ang magtrabaho at bumuhay nang batang walang ibang ginawa kundi ang magpasarap sa buhay!"
As usual, Armalite na naman nang Nanay ko ang bumungad sakin.
Ni-hindi pa ko nakakapasok nang banyo para makapag hilamos, hinilamusan na naman agad ako nang mahihiwagang mga salita niya.
"Nay, ang sarap naman po nang pa-almusal ninyo, pwedeng maghilamos po muna ako?" sagot ko sa kaniya
Ayun, biglang pumamewang. Mukhang alam ko na kasunod nito.
Rap battle.
"Anong almusal?! Hindi ba't kakasabi ko lang na tanghali na? Tanghalian na ito, Jessica! Palibhasa, puro ka lang pasarap sa buhay dyan sa kagigimick mo! Wala ka nang naisip na magandang gawin sa buhay mo. Puro ka inom! Gimmick! Kababae mong tao, nagpapaabot ka nang madaling araw sa daan! Kapag ikaw nadali nang lalaki sa mga pinag gagawa mo, sinasabi ko sa'yo. Makikita mo ang hinahanap mo!"
Ayown na nga po! Sinegundahan na nang 'sinasabi ko sa'yo , makikita mo ang hinahanap mo'. Every mother's iconic line.
Binibigyan ko po nang dalawang puntos si Nanay dahil sa lupit nang mga iconic bars na kaniyang binitawan! Talaga naman po! Awit sa inyo, Aling Fe!
Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo na lang ako nang banyo. Alam ko namang mapapagod din yan si Nanay sa kakaputak.
At nang makapasok ako nang banyo ay hindi ako nagkamali. Tumigil nga siya.
Pero alam ko naman na kapag lumabas ako nang kwarto at bumaba sa kusina ay andun na yung part 2 na naghihintay sa akin.
Kaya naman, naisipan kong magdiretso ligo na lang.
Makikipag kita na lang ako sa mga kaibigan ko. Kesa naman tuluyan nang mabutas itong tenga ko sa kakaputak nitong si Nanay.
Nang matapos kumilos ay nakagayak na ko, hindi na sana ako kakain kaso kumakalam na ang sikmura ko.
Hindi kasi ako nakakain nang hapunan kagabi kaya ilang oras nang walang laman kundi alak itong tiyan ko.
Nagpunta ako sa kusina para kumain nang kaunti. Pagkasubong pagkasubo ko ay agad na akong niritwalan nang mga pa-salmo ni Nanay.
Kaya bago pa man ako hindi makapag pigil at masagot ko pa ito, nagmadali na lang akong kumain.
Naka kalahati pa lamang ako nang aking pagkain ay tumayo na ako
"Oh, saan ka na naman pupuntang bata ka? Hindi ka pa tapos kumain!" putak ni Nanay
"Kina Jho po, may usapan kasi kaming pagkikita ngayon" sagot ko kay Nanay
"At saan na naman? Anong oras ka na naman uuwi?" tanong ni Nanay
Pero hindi na ko sumagot. Dinaanan ko lang siya at nilapag sa lababo ang pinagkainan ko.
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficción GeneralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...