63. HOW?

1.2K 57 71
                                    

JEMA's POV

It's been a week since the kiss-and-slap incident. Ever since that, wala na akong nadinig na kahit na ano from Dean.

Aaminin ko, hanggang ngayon ay inuusig pa rin ako nang konsensya ko dahil sa nagawa ko kay Dean. Masyado akong nagpadalos dalos. 

What also bothers me is that sometimes, nahuhuli ko si Mafe looking at me, disappointed. Pakiramdam ko she knows something. 

I went to her room, dire-diretso na akong pumasok at hindi na nagbother kumatok.

I saw her lying on her bed, at nang makita niya ako ay napa-irap siya

"Hindi ka ba marunong kumatok lalo na kapag hindi mo kwarto?" masungit na sambit sa akin ni Mafe

"Maria Fe, umamin ka nga sakin may alam ka ba sa nangyari?" tanong ko sa kaniya

"Nangyari?? Yung tinutukoy mo ba ay yung sinampal at sinabihan mo nang masasakit na salita si Kuya Dean? Wala. Hindi ko alam, makakaalis ka na sa kwarto ko" sagot ni Mafe at tinalikuran ako

"Mafe, wag mo nga kong pinipilosopo. Ate mo ko kaya sumagot ka sakin nang maayos" sambit ko sa kaniya

"Ah so, you're pulling the 'older than you' card on me? Ganyanan na ngayon? Pwes! Ate mas matanda ka sakin, di ba? bakit hindi mo ginamit yung kokote mo bago ka magbitaw nang masasakit na salita sa tao? Sige nga! Answer that!" galit na wika ni Mafe

She's serious this time, paano ko nalaman? Nag eenglish na siya, hindi naman pala english to eh. 

"Ate kasi ang tanga lang" inis na dagdag ni Mafe sabay tayo sa harap ko

"Mali ako pero hindi ako tanga" sagot ko sa kaniya

"Oh bakit? Sinabi ko bang tanga ka?" tugon ni Mafe

"Kakasabi mo lang di ba?" sagot ko pabalik

"Na misinterpret mo na naman ako eh, hindi ko sinabi yun. Ang Sabi ko ang tanga lang ng idea. Hindi ka tanga, sana kasi pinapatapos mo muna kasi ako, kaya lagi mo akong namimisinterpret eh" sagot sakin ni Mafe with feelings pa

Kaya naman binatukan ko na siya

"Oo na, amaccana! Kabisado mo na linya sa Four Sisters and a Wedding" sambit ko sa kaniya

"Galing ko di ba?" ngiting proud na tanong ni Mafe kaya inirapan ko na lang ito.

Huminga ako nang malalim at lumapit kay Mafe

"Mafe... tulungan mo naman ako oh. Gusto ko kasing magsorry sa nagawa ko kay Dean. Hindi ko talaga sinasadya, nadala lang ako nang bugso nang damdamin. Gulong gulo kasi ako nun" sabi ko sa kaniya 

"Bakit ngayon? Hindi ka na naguguluhan?" may dudang tanong sa akin ni Mafe

"Uhm, basta tulungan mo muna akong magkaayos kami" sabi ko kay Mafe

Tumingin muna sa akin si Mafe, saka ito tumango bilang pag sang ayon. 

"Oh, basta ate siguraduhin mong aayusin mo yan ha. Baka naman sampalin mo na naman, sinasabi ko sa'yo itatakwil na talaga kita" banta sakin ni Mafe

Andito kami ngayon sa labas nang bahay nila Dean. Nagdahilan kasi si Mafe na pupuntahan niya raw si Dean ngayon, pero ang totoo ako ang pupunta kay Dean. 

Nataong wala rin ngayon ang Mommy ni Dean dahil nagpunta ito sa Cebu. 

"Oo naman! Promise!" sagot ko kay Mafe

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon