1. INTRO

2.2K 51 3
                                    

DEAN's POV

"Grabe, ang pogi talaga!!" 

"Buo na naman ang araw ko neto"

"besh, pakipulot naman"

"Ang alin?" 

"Yung panty ko besh, nahulog na naman dahil sa kanila"

"Yieeeeeeh!! kilig na kilig na naman yung mga buto ko nitoooo"

"Anakan mo ko, pleaseeeeee" 

"Di bale nang matawag na salawahan, basta ba ganyan kapopogi ang pagpapasa-pasahan"

"Sakin yung pinakamatangkad ha"

"Ako sa isang moreno"

"Basta for me, okay na okay na ko dun sa nakasalamin, sobrang pogi talaga! matalino pa"

"Forda good boy naman ang atake nang bet mo sis"

"Okay lang, loyal yang mga ganyan noh, at least alam kong sakin lang kakalampag"

Sa araw araw na ginawa nang diyos, yan lang naman ang mga salitang lagi naming nadidinig nang mga kaibigan ko tuwing papasok kami sa Uni. 

Ako nga pala si Dean Markcrux Wong. Third year college, from Nursing department nang Saint Benedict University, School of Medicine. My friends call me Dean o D

Maputi, matangkad, singkit at madalas asarin na ching chong nang mga tropa ko. 

I'm a straight A's student, masunurin sa magulang at pogi sabi nang Mommy ko. 

Syempre Mommy ko yun eh.

"Alam mo, siguro kung mga babae lang tayo, baka nakapag file na tayo nang reklamo sa OSA. Sobrang unfair maging lalaki ha" reklamo nang kaibigan kong si Tots

Siya nga pala si Tony Timothy Carlos, we call him Tots, Caloy o Toti, pero ayaw niyang tinatawag siya non kasi we used to call him Toti Bibo as pang asar sa kaniya before. Very pa-bibo kasi yan sa dami nang kalokohan. 

Believe it or not, isa yan sa aking matalik na kaibigan. Nung nagpaulan ata ang Diyos nang kamalasan sa kaibigan mukhang isa ako sa nakasalo. 

Classmate at Tropang dikit ko rin yan mula pagkabata pa. 

Hari nang sablay, literal na sablay, mapababae o sa buhay, madalas kami ipahamak niyan dahil sa mga kalokohan niya.

Yung tipong, ayaw ko nga mag-Bar at minsan na lang mapilit eh mapapahamak pa dahil sa mokong na to. Kaya mula noong mangyari yon, pinangako ko na talaga sa sarili ko na hindi na ko pupunta nang Bar ulit. #NeverAgain

"Sus! as if naman hindi mo naeenjoy na lagi kang pinupuri nang mga kababaihang nadadaanan natin papasok, sa araw-araw" pambabara ni Bei kay Tots

Ito naman ang tropa kong si Brylle Alexander De Leon o Bei for short. 

Pinakamatangkad saming magkakaibigan, dikit lang kasi yung height namin ni Tots. 

Also, si Bei rin ang tumatayong Credit card naming magkakaibigan, Low key Rich kid kasi yan si Bei, hindi mo aakalain na grabe ang yaman, sobrang humble din kasi kung pera na ang pag uusapan. 

Tumatayong Kuya sa tropa, pero Dad ko yan minsan hehe. 

Kasi ba naman katuwang yan ni Tots sa kalokohan pati na rin sa pambababae minsan. 

Pero ganun pa man, protective yan sa kin at kahit hindi halata sa itsura niya eh, He gives a lot of advice, Unexpected advices na hindi mo aakalain na madidinig mo mula sa loko-lokong to. 

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon