JEMA's POV
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang dumating sa eksena tong pablong bwisit na to.
Hindi ko alam kung anong nakain nitong babaeng ito at lumakas ang loob na ahasin si Dean nang harap harapan sakin.
Para siyang bagyong biglang dumating sa buhay namin ni Dean.
"Ano ba yan, napakaclumsy mo. Nadumihan na tuloy yung labi mo" sabi ni Myla habang pinupunasan nang tissue yung bibig nang baby ko
Parang biglang nagpintig yung ulo ko dahil sa ginawa niya.
How dare she touch my baby!
Well, bring it on!
"You know what, you're right." sagot ko
Bigla kong hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan si Dean sa labi nang may diin.
Jema - 1
Mylawet - 0Beat that, bish!
Kitang kita ko yung pamumula nang mukha ni Dean habang asar na asar yung mukha nang querida.
Pero ang ghagha hindi talaga nagpatalo, mantakin mong sumama pati sa condo ko.
Anong gagawin niya dito? Mag referee?
Kahit pigilan niya pa kami, di ako papapigil sa pag akit kay Dean.
Kung gusto niya mag watcher siya samin, panuorin niya kung paano pabalikin yung ex.
"Hmm, not bad na rin" komento ni Myla pag pasok nang unit ko
Nakatingin siya sa kabuuan nang aking unit
Napairap na lang ako sa kaniya
Pareho kaming may buhat na tag isang balot nang grinocery namin ni Dean kanina, habang si Dean na ang nagbuhat don sa mabibigat.
"Ang dami mo naman kasi pinamili, naghohoard ka ba?" tanong ni Myla nang mailapag sa lamesa yung bitbit niya
"Ikaw naman may gustong sumama dito ha. Wala namang pumilit sa'yo" sagot ko sa kaniya
Inumpisahan na namin ni Dean ipaglalabas yung pinamili namin para maayos na maisalansan sa pantry at ref.
"So, anong gagawin natin after? Nuod tayong movies?" tanong ni Myla habang hindi niya namamalayang tumutulong na siya samin ni Dean
"Movies? Bakit? Kaya niyo bang itikom yang bibig niyo habang nanunuod tayo??" sabi ni Dean samin
"Ako kaya ko, ewan ko lang kay Galanza" sagot ni Myla at nagmake face lang ako sa kaniya sabay irap
"See? Ngayon pa nga lang hindi na kayo matigil sa pag aaway, paano pa kung nanunuod na tayo" sagot naman ni Dean
"Mag bebehave ako, promise!" ani Myla sabay pacute kay Dean
"Hmm, okay. Tanong mo sa landlord" sagot ni Dean sabay tingin sa akin
"What if, kami na lang ni Dean yung maiwan na magmovie marathon dito? Kasi di ba, baka lang naman hinahanap ka na ni Ms. Rachel" sabi ko sabay panggap na inosente
"What if, ayain ko si Dean na umuwi na tapos dun na lang kami sa kanila?" sagot ni Myla
Napairap naman ako sa sinabi niyang iyon, hindi malabong pumayag si Dean.
Pabor sa kaniya kung uuwi na lang. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Mommy Judin pag nakita niya ako.
Syempre nasaktan ko yung anak niya
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficción GeneralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...