THIRD PERSON'S POV
After their Beach getaway ay masayang umuwi ang magkakaibigan.
Nang makauwi sina Bei at Jho ay agad nilang pinamalita sa parehong magulang nang dalawa ang nangyaring Proposal. Doon nalaman ni Jho na nakapagpaalam na pala si Bei sa mga magulang niya bago pa man ito magpropose bilang respeto sa magulang nang dalaga.
Habang sina Ced at Tots ay agad ring pinamalita sa magulang ni Celine na ito'y nagdadalang tao na. Noong una ay nagalit ang magulang ni Celine dahil nakabuo sila nang bata nang hindi pa nakakasal.
Ngunit nangako naman si Tots na agad pakakasalan si Celine bago pa man ito makapanganak. At gaya nang pangako ni Tots kay Celine pag-uwi nang Manila, ay agad nitong binilhan nang singsing ang kasintahan at ora mismong nagpropose sa harap nang magulang nang dalaga upang ipakita na totoo siya sa kaniyang mga salitang binitawan.
Dahil nag dadalang tao si Celine ay makalipas lamang ang tatlong buwang preparasyon ay agad na silang nagpakasal ni Tots
Natupad ang Garden Wedding na napag usapan nila Ced at Tots. Gaya nang kagustuhan ni Ced ay nag ala dyosa siya sa sarili niyang kasal, habang pinilit naman ni Tots ang pagiging Engkantado niya.
Makalipas naman ang dalawang buwan mula nang ikasal sina Tots at Ced ay ikinasal na rin sina Jho at Bei. Gaya nang hula ni Ced ay Church Wedding ang naging kasal nila Bei.
Sa araw ring iyon, matapos ang kasal nila Bei at Jho ay nag propose si Dean kay Jema.
After few months, gaya rin nang hula ni Ced, Dean and Jema held their Beach Wedding sa Siargao.
"Baby, kailan ang Anniversary natin?" Jema asked habang naglalakad sila sa buhanginan, they are now spending their honeymoon matapos ang naganap nilang kasal kahapon lamang.
They will spend three days sa Siargao at lilipad patungong Paris at Korea as part of their honeymoon na regalo nang parents at kaibigan nang dalawa.
"Baby, anong klaseng tanong yan? Ayos ka lang ba? Wag mo sabihing apart from Amnesia eh may Dementia ka na rin?" naguguluhang tanong ni Dean
"Of course not! Kailan nga po kasiiii??" pangungulit ni Jema
"Of course, May 4! kahapon lang, kaya nga we decided na i-held ang wedding natin, same day as our anniversary" kumpiyansang sagot ni Dean
"You know what else happened that day?" tanong ni Jema
"What else?" tugon ni Dean
"That was the day we first met" nakangiting sagot ni Jema
Halos magdikit na ang kilay ni Dean sa sinabing iyon ni Jema
"But I thought that was in April?" naguguluhang tanong niya
Umiling si Jema
"Back in the day that I lost my memory... I found something. Remember how my family took our pictures together? kasi they believed na hindi yun makakabuti sa lagay ko. But then, I started seeing you again. Then I persuaded Mafe, kasi gustong gusto ko makakita nang pictures natin together baka sakaling may maalala ko. Kahit bawal ang ma-stress sa akin, kakaisip.
I tried everything para lang mapilit si Mafs... and then she gave in. Sinabi niya na all our pictures were at the Attic. So, I went there. And, little did I know, I will be able to find something na way more than what I was searching for.
May nakita akong isang album kung saan nakalagay yung ibang Old photos ko, way back when I was a kid pa. Siguro, nahalo lang din sa mga nilagay sa Attic, knowing Mafe ba naman ang tamad magkalkal non.
But then I looked at it, and guess what I found?" nakangiting tanong ni Jema matapos magkuwento
"What did you found?" takang tanong ni Dean
"Yung baby photo ko nung binyag ko. It was dated 4th of May. Remember yung mga old photos may time stamp pa non sa mga pictures? Ang galing noh!" tuwang tuwang kwento ni Jema
"Yeah, I think May 4 was really meant to be for us, baby" sagot ni Dean sabay halik sa sentido ni Jema
"And guess what else I found out?" Nakangiting malawak na tanong muli ni Jema
"Meron pa?" manghang tanong ni Dean kaya naman tumango muli si Jema
"May kasabay akong poging poging baby non sa simbahan." sambit ni Jema
Unti unting lumaki ang mata ni Dean, he didn't have to hear it from Jema, kumpiyansa lang naman siyang siya mismo ang tinutukoy ni Jema.
"Paano ko nalaman?" tanong muli ni Jema
"Paano?" Dean asked again with full of interest and astonishment
"Kasi diba kapag binyag nagpipicture sa labas tapos kita yung church? That's when I saw you! Paano ko nalamang ikaw yon? kasi kitang kita sa photo si Mommy Judin at may kargang baby na napakacute at makapal ang kilay!" ani Jema sabay pinang gigilan ang pisngi ni Dean
"Aww, Baby naman ih. Masakit po." ani Dean
Binitawan naman ni Jema ang pisngi ni Dean, pagkatapos ay hinalikan niya ang magkabilang pisngi nito saka ngumiti nang pagkatamis
"Baby, kapag nagpunta tayo sa inyo, pakita mo sakin yun ha" wika ni Dean
"Oo naman! Tapos pag pumunta tayo sa inyo, tanungin natin si Mommy Judin if may naitabi pa siyang photos mo nung binyag. Malay mo may picture din ako don, diba!" tuwang tuwang sagot ni Jema at mabilis na tumango naman si Dean
"Oo naman. Mom always keep my photos naman kahit mula pagka baby. Ingat na ingat nga siya don eh. Ikaw ba naman magkaroon nang super poging anak, di ka matutuwa?" mayabang na sagot ni Dean
"Ang kapal mo!" sagot ni Jema sabay irap kay Dean
"pero totoo naman" pahabol ni Jema sabay halik sa labi ni Dean at yakap rito.
Dean hugged her back
"I love you, Jessica. You always make me the happiest person on earth whenever I'm with you. Thank you for loving me and showing how much I mean to you" sambit ni Dean habang nakayakap sa kaniyang asawa at naglapat nang halik sa sentido nito.
"Dean, kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga sakin. Yung pagmamahal ko sa'yo walang katumbas. I'm more thankful na dinala ka sakin ni Lord. I love you, Dean" nakangiting sambit ni Jema habang nakatingin sa mata nang kaniyang asawa.
Dean gave Jema a sweet kiss as they cherish this moment.
Their love for each other is a journey starting at forever and ending at never.
-THE END-
-------
A/N:
Thank you for reading!!
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficção GeralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...