JEMA's POV
Mula nang huli naming pagkikita ni Dean na nagresulta sa pagkahimatay niya sa Campus ay hindi ko pa siya nakakausap ulit.
After kasi ma-ospital ni Tatay ay dumiretso na kami sa Pampanga kinabukasan nang maaga.
Dito na kami nagstay dahil pinaconfine na muna namin si Tatay dito. Ito rin ang pangalawang araw namin sa Hospital.
And I have decided na pagbalik namin sa Manila doon ko na lang siya kakausapin ulit.
Alam ko namang dededmahin niya lang yung texts at tawag ko sa kaniya.
Kumain kami ni Niccolo sa isang malapit na Restaurant dito sa Pampanga.
Pabalik na kami nang room nila Tatay at nagdala na lang kami nang take out para sa kanila.
"Sabi ko naman sa'yo, masarap kumain dun eh. Ikaw lang walang tiwala sakin eh" nakangiting sabi ni Niccolo habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ni Tatay
"Oo na, ang dami-" nakangiting napairap ako dahil ang kulit niya
Pero ang di ko inaasahan ay ang makita si Dean sa Hospital na ito... At kasama si Myla
Anong ginagawa nila dito? Bakit sila magkasama??
Nanatili akong nakatingin kay Dean, halos magsabong na ang kaniyang makapal na kilay habang nakatingin sa amin
"Uy, Jema. Anong ginagawa mo dito?? Layo nang nararating mo ha. Small world naman!" singit ni Myla
After kong sagutin si Myla, siya naman sana ang tatanungin ko kung ano ang ginagawa nila dito ni Dean, ngunit biglang may tumawag kay Dean.
"Dean!"
It was Doc Buen... May inabot na brown envelope si Doc Buen kay Dean
"Sure thing, Ninong Doc" sagot ni Dean
Ninong Doc?? Kilala niya si Doc Buen, hindi lang basta kilala, kundi close na close sila.
Ang mas kinagulat ko ay ang mga salitang lumabas sa bibig ni Doc Buen.
Nagpunta dito si Dean upang kumbinsihin si Doc Buen na bumalik sa Manila upang doon magtrabaho para sa pag galing ni Tatay.
What have I done? Parang biglang lumakas yung kabog nang dibdib ko dahil sa mga nadinig ko.
Pero napalitan iyon nang sakit, para kong sinasaksak nang kutsilyo habang pinagmamasdan ang mga kamay ni Dean na nakahawak sa pala-pulsuan ni Myla habang hila hila niya ito.
"Kapag naumpog ulo nang inaanak ko, jowain mo agad yan ha. Mag iingat kayo sa pag uwi"
Parang umalingawngaw sa tenga ko yung sinabing iyon ni Doc Buen. Sa sobrang sakit sa tenga nang mga nadidinig at nakikita ko, hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin.
Nakatulala lang ako habang pinagmamasdang unti unting mawala sa paningin ko si Dean nang magsalita si Doc Buen
"Mabait na bata ang inaanak ko, Ms. Galanza. Sobrang selfless, tahimik lang at hindi masyadong vocal sa tunay niyang nararamdaman. But that's the harm in keeping it all inside. Para ka na lang bomba na sasabog na lang bigla kapag punong puno ka na." sabi ni Doc Buen
Hindi naman ako nakasagot agad at nanatiling nakatingin sa kaniya
"But the thing is hindi ganun si Dean. Para siyang supot na paputok na hindi na puputok. It may sound weird, okay? But my point is, Ano nga ba ang ginagawa sa dispalinghadong paputok? Hindi ba't hindi mo na mapapakinabangan? Itatapon mo na lang at magpapaalam. Kasi kapag pinilit mong sindihan baka biglang sumabog at pati ikaw ay masugatan pa." dagdag ni Doc Buen
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Ficción GeneralIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...