60. WHEN?

720 35 0
                                    

DEAN's POV

Ilang araw na akong nagmumukmok dito sa aking kwarto. 

There's this one time kasi na I tried to visit Jema, ay pinagtabuyan niya ako. Hindi niya ata nagustuhan yung ginawang pang ti-trip sa kaniya ni Mafe. 

Imbis na makadiskarte tuloy ay lalo lang akong na-olats. 

Palihim pa rin akong nagpupunta sa kanila after that, kaya lang hirap na hirap akong masulyapan si Jema, lalo na at madalas itong nasa kwarto niya lang. 

Kaya heto ako sa aking kwarto at nakakailang gulong na sa kama. 

I'm trying to think of ways para gumaan naman yung pakiramdam niya sa akin nang biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito

"Anak?" it was Mom

"Yes my? pasok ka po" sagot ko rito at napabangon mula sa pagkakahiga

"Kamusta ka na? Mukhang bored na bored ka, ilang araw ka nang nakatambay sa kwarto mo" sambit ni Mommy at saka umupo sa aking tabi

"Iniisip ko lang po kung paano ako makakalapit kay Jema nang hindi siya nagagalit sa akin. Hindi po kasi maganda yung first impression ko sa kaniya" sagot ko rito

"Anak, alam kong kayang kaya mo makuha muli ang loob ni Jema, hindi ba't hindi rin naman kayo magkasundo sa umpisa?" nakangiting sambit ni Mommy

Oo nga naman. Muntik niya na nga kong patayin noon eh. 

Tipid na napangiti naman ako, sa lahat naman nang maipapa-alala ni Mommy ay yung hindi pa magandang first encounter namin. 

"Pero anak, hindi ba't may nakakalimutan ka?" dagdad ni Mommy

Bigla namang kumunot ang aking noo

"Po?" naguguluhan kong tanong

"Anak, wala naman masama kung iniisip mo pa din ang kapakanan ni Jema. Pero ipapaalala ko lang sana sa'yo na kaarawan ngayon ni Mich. Baka gusto mong dalawin muna ang puntod niya" sambit ni Mommy

Nakalimutan ko na kung anong araw ngayon dahil masyadong okupado ang isip ko tungkol kay Jema. 

Mula nang mawala kasi si Mich ay hindi ko pa din pinalalagpas ang pagkakataong dalawin siya tuwing kaarawan niya, sa puntod nito. 

Napatingin at napatango naman ako kay Mommy

"Gusto niyo po bang sumama?" tanong ko kay Mommy

Ngumiti ito saka umiling

"Nagsimba ako kanina anak, pinagdasal ko sa Diyos ang kalusugan ni Jema, pati ang peace of mind mo pati na rin ang soul ni Mich... Dumalaw na rin ako sa puntod ni Mich kanina" sabi ni Mommy

Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. 

"Hindi mo man lang ako sinama, Mommy" nakasimangot na parang batang sambit ko sa kaniya

"Kanina pa kasi kita kinakatok pero mukhang ang himbing nang tulog mo" sabi ni Mommy sabay gulo sa aking buhok

"Mommy naman, not my hair po" reklamo ko

"Ay sus! Osiya kumilos ka na dyan at anong oras na" ani Mommy, kaya naman kumilos na ako.

Mabilis lamang ang aking naging pagkilos at agad rin akong nagpaalam kay Mommy. 

Pagdating ko sa puntod ni Mich ay agad akong nagsindi nang kandila at naglapag nang bulaklak sa kaniyang puntod. 

May dala rin ako nang paburito niyang egg pie, na ako lang naman ang uubos. 

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon