DEAN's POV
Dirediretso lang akong nagtungo sa Parking kung saan andun ang sasakyan ni Bei. Habang inaantay ay may nakita akong mamahaling motor.
"Angas naman nito, mukhang big time talaga mga customers nila tonight" sambit ko sa aking sarili
"Uy, Dean!" tawag ni Bei, mabilis lang rin pala siyang nakasunod sa akin.
Nang pindutin niya ang lock nang car niya ay agad ko nang binuksan ito at umupo sa shotgun seat.
I put my seatbelt on at sumakay na rin si Bei, pag suot niya nang seatbelt ay saktong dating rin ni Tots
"Guys, di na daw sasabay si Pongs. Ihahatid niya pa yung lasinggera niyang pinsan" ani Tots
"Ganun ba? Eh bakit hindi na lang sila sumabay satin?" tanong ni Bei pero nagkibit balikat lang si Tots
"Baka pag uusapan pa nila yung ginawa nang kaibigan nila sakin" sagot ko sa kanila, nagkatinginan naman sina Bei at Tots
Hindi naman na kami nagtagal at umalis na rin.
Kinabukasan, pansin kong parehong nakatutok ang mga kumag sa kanilang mga phones
"Hoy! Kulang na lang pasukin niyo na yang mga phones niyo ah" sita ko sa kanila
"Kung pwede nga lang eh" sagot ni Tots nang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang phone
Ito naman si Bei, parang walang nadinig. Nakangiting aso pa.
"Uy! Nag aaya sina Ced mamaya, Coffee daw after class" biglang sabi ni Tots
"Sure!" mabilis na sagot ni Bei
tumingin naman sakin si Tots, nag hihintay nang sagot ko
"Pongs, will be there. You have to be there, Dean. Kung ayaw mong putaktehin ni Pongs" banta sa kin ni Tots.
Alam na alam talaga nilang ayokong kinukulit ni Pongs. At yung babaeng yun pa naman, wagas makapangulit.
Kulang na lang kaladkarin ka once ma-corner ka niya.
"Yeah, yeah. Bibili lang ako nang Books sa UPTown. Just message me kung saan and what time mag kikita kita" sagot ko sa kaniya
"Nice!" tugon ni Tots at muli nang binalik ang atensyon sa kaniyang phone.
Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. I guess, this is gonna be the start of them almost ignoring me.
Masyadong mga tuktok sa phone at ngiting ngiti.
After Class, I quickly went to a nearby Book store para bilhin yung mga books na need ko.
Bibilisan ko na lang dahil alam ko namang mainipin yun si Pongs.
I'm in the middle of buying books when suddenly someone approached me from behind.
I am so confuse on why she's acting this way.
Parang kagabi lang, mainit dugo nito sakin. Ngayon she's acting super friendly.
Sobrang creepy.
Pinagtatabuyan ko na siya at lahat pero sobrang persistent niya. Sabihan ba naman akong Nanay niya nga hindi niya sinusunod, ako pa kaya?
Not in front of a Mama's Boy, Miss. Tsk.
I say if she's persistent, then I will try my best to be very resistant of her.
Kaso makulit tong isang to, kaya naman hinayaan ko na lang siya.
Akala ko mananawa rin, mapapagod at aalis na, but to my dismay, hindi niya talaga ako tinantanan.
BINABASA MO ANG
May the 4th Be With You
Fiksi UmumIsang Straight A's student at isang pariwara na walang ibang ginawa kundi ang gumimik at magpasarap buhay. Alamin kung ano ang kahihinatnan nang buhay nang nag iisang Dean Markcrux Wong sa kamay nang isang pala gimmick na Jessica Margarett Galanza...