31. AFFECT

1K 40 280
                                    

JEMA's POV

After nang naging engkwentro sa Campus kanina, we decided na kina Bei na lang kami maghang-out.

Dito kami dumiretso sa pool area nila Bei, may malaking swing kasi sa gilid nito na good for six pax. Dito rin daw tumambay kanina sina Dean at Bei habang nag hihintay na matapos ang klase namin. 

"Jema, pwedeng magtanong?" biglang sabi ni Tots na kinagulat ko

"Hmm, about saan?" sagot ko sa kaniya

"Nahihiwagaan lang kasi ako, naikwento kasi sa akin ni Celine na sabi mo, Nafall out of love si Niccolo. Pero ang totoo, nag cheat siya sa'yo. Anong nangyari after the confrontation? I mean anong ginawa ni Niccolo after mong malaman na he cheated?" tanong ni Tots

Hindi ko inaasahan ang naging tanong niyang iyon. 

"After the confrontation? Hmm... Ayun na nga, so di ba he admitted na may nangyari sa kanila ni Carly, after ko mag rant, I warned him na wag na uling lalapit sa akin kahit kailan. Nakipag break na ako sa kaniya, right there and then. After that, never na ulit kami nagkita. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na he went abroad" kwento ko sa kanila.

Pakiramdam ko para akong bumabalik sa nakaraan habang inaalala ko ang mga nangyari noon. 

But the good thing is, wala na kong hinanakit na nararamdaman ngayon. I can freely talked about it nang hindi na naiiyak o sumasama ang loob.

"Pongs told me na, He and carly continued their communications after your confrontation. Does that mean na he really fell out of love? Or mas nanaig yung drive nang lust sa kaniya kaya they continued whatever na namamagitan sa kanila ni Carly?" biglang sabi ni Dean

I didn't know na nakuha pa nilang ipagpatuloy ang namamagitan sa kanila

"Who cares? Tapos naman na yon" sagot ko sa kanila

"But the things is kasi, he's back, at he's not just back. But he's back and he's bothering you" sambit ni Bei

"Bakit daw ba siya bumalik? Ano yung pakay niya?" tanong naman ni Tots

Pansin kong masyadong nacucurious ang boys. 

"Don't he dare say na he loves you kaya siya bumalik ha" inis na sabi ni Dean

"Kaso, yun na nga ang sinabi niya kay Mare" sagot naman ni Ced

"F*ck!" ani Dean

"Dean, language" sita ni Bei

"Whatever you had with him, I know nawala yon nang dumating sa eksena si Carly. You never fall in love with the same person twice. Kasi kapag nangyari yon, it only means you only fall inlove with the memories, not to that person. 

Kaya hindi niya pwedeng sabihin na andito siya ulit dahil mahal ka niya at wag niya akong paaandaran nang he never stop loving you, dahil the moment na pinili niya yung lust niya nang may nangyari sa kanila ni Carly, he never thought of you, your feelings and his feelings for you" ani Dean

"Huh? Paano naman bro yung quote nang love is sweeter the second time around?" tanong naman ni Tots kay Dean

"Magkaiba yon. In my opinion, it means na you never stop loving that person kahit pa nagkahiwalay kayo. Pinaglayo nang tadhana... To which in Niccolo's case, he cheated meaning nag entertain siya nang iba. The point is, maybe hindi niya pa talaga narerealize na sa memories lang nila ni Jema siya nainlove at hindi kay Jema mismo." wika ni Dean

"You mean to say, nanghihinayang siya, kasi si couz yung taong nandyan at handang gawing ang lahat para sa kaniya. And it's frustrating for him, dahil wala siyang mahanap na katulad ni cousin, right?" ani Jho

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon