61. WHERE?

772 35 32
                                    

DEAN'S POV

"Dahil wala na sa katinuan si Niccolo" sambit ko kay Jema

Umiling iling ito.

"Kung magpapakabait ka ay papayag akong dalhin ka sa kaniya, para naman maniwala kang nagsasabi ako nang totoo. Ayos ba yon?" sambit ko rito

Tila nabuhayan siya dahil sa sinabi ko at saka mabilis na tumango-tango.

"Pangako" ani Jema

Alam kong maaaring mabigla si Jema kung malalaman niyang totoo ang mga nadidinig niya, pero I wanted to take a risk.

Kaya naman nagre-route na ako patungo sa Hospital na kinaroroonan ni Niccolo.

Pagpasok pa lang namin ay mahigpit na pinaalala sa amin ang mga bawal gawin at dalhin sa loob. Pinatanggal at pinaiwan sa amin ang mga ito.

We we're both standing outside Nicco's room, mayroon lang maliit na glass window kung saan kita namin siyang nakaharap sa wall at kinakausap ang kaniyang sarili. 

Nang biglang magsalita si Jema 

"Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya umabot sa ganiyang punto?" tanong ni Jema habang pinagmamasdan si Niccolo

She quickly wiped the tears na tumulo sa kaniyang magkabilang pisngi

"It's a long story, Jessica. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo lahat nang iyon... basta kung ano na lang yung mga nalaman at narinig mo sa mga taong nakasalamuha mo, lahat yun ay totoo." sambit ko sa kaniya

After looking at Nicco for five seconds ay biglang nag iwas nang tingin si Jema

"I wanna go na." sambit ni Jema

Tumango naman ako saka inaya na rin siyang umalis. 

Habang binabagtas ko ang daan pauwi sa kanila ay hindi ko maiwasang sulyapan si Jema. 

Tahimik pa rin siya, mula nang makalabas kami nang Ospital ay hindi na ito nagsalitang muli. Hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. 

Agad kong pinagbuksan nang pinto si Jema at inabot sa kaniya ang kaniyang saklay.

Maglalakad na sana ito papasok nang kanilang bahay nang tawagin ko siyang muli. 

"Jema" sambit ko

lumingon siya at nakatingin lang sa akin, na tila naghihintay nang aking sasabihin

"Uhm... pagaling ka" sambit ko

blangko lang ang ekspresyon nang kaniyang mukha, saka ito tumango at nagpatuloy nang maglakad papasok sa loob nang kanilang bahay. 

"Maybe some other time, Jessica" mahinang sambit ko sa aking sarili habang nakatanaw kay Jema papasok nang bahay nito. 

Nakita ko pang galit na sinalubong at sinermonan ito ni Ced. 

I didn't dare to stay longer...

I pains me to see Jema treating me like a total stranger




After nang huling pagkikita namin ni Jema ay pinili ko munang bigyan ang sarili ko nang pagkakataong makapag isip nang mabuti. 

And after contemplating, may naisip akong plano. 

At first it was hard, si Niccolo yung unang taong hinahanap niya pag gising niya. Kung paano niya tignan si Niccolo noon na puno nang inis ay ganun kung paano siya tumingin ngayon sa akin sa tuwing dinadalaw ko siya sa kanila. 
 

May the 4th Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon