ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ

707 155 98
                                    

" Pano Tayo makakapasok dyan? " Bulong ng kaibigan ko habang nakapila kami papasok sa Kilalang Bar dito sa Quezon Province.

" Maglalakad papasok ganon " seryosong sagot ko dito.

" HA! Kahit kailan ay Wala Kang kwenta kausap " Singhal nya sakin.

" Wag kana ngang maingay, act normal " kabado Kong Sabi habang naglalakad papasok sa entrance ng bar.

Pinahinto kami ng bouncer habang tinitingnan kami Mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasang Hindi mailang sa suot Kong fitted black backless dress, above the knee and a 3 inches high heels.

" AGE? " Walang kasing sungit na tanong ng bouncer. Klinaro ko Ang lalamunan ko bago sumagot dito.

" 20 " maikli kong sagot dito. Tiningnan nya kaming muli na para bang hindi kumbinsido sa sagot ko.

" Anong 20? " Bulong ng kaibigan ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya, umaasang manahimik sya.

Sa huli ay walang nagawa Ang bouncer kundi ang papasukin kami. Muntikan pang mabasag Ang eardrum ko sa sobrang lakas ng tugtog, maliyo liyo ako sa dami ng tao.

" Akala ko talaga Hindi na Tayo papapasukin myghad, bakit 20 sinabi mo? Muka ba akong 20 sa paningin mo? " Inis nyang Singhal sakin. Nauubusan ng pasensya ko syang Binatukan.

" St*pid! Sa tingin mo ba ay papasukin Tayo kung malalaman nyang 17 lang Tayo! " Sigaw ko dito.

" Hehe " kamot ulo syang pekeng tumawa

" Wow!! " Gulat ko syang sinundan ng tingin nang para syang batang nagtatakbo papuntang bar island.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod at maupo sa tabi nito.

" 2 glass of Red Velvet cocktail, please " maarteng Sabi nya sa bartender. Sinamahan pa nya ng pagpilantik ng kamay. Kung sanay lang akong mag isa ay Hindi ako magdadalawang isip na iwan sya. Hays...

" Alam mo ba Yung Red Velvet kemerut na Yan? " Bulong ko dito, nagulat Kasi ako na may alam pala sya sa mga alak na nandito gayong first time naming dalawang pumunta sa bar.

" Psh..kailangan ba alam natin para makainom non? " Bulong nya pabalik sakin. Inis ko syang tiningnan. Sumenyas naman sya ng " what ".

" Bakit mo inorder? Baka mamaya masama Ang lasa Nan "

" Ang Ganda Kasi pakinggan eh, Red Velvet cocktail " maarteng ulit nya pa. Gusto ko syang batukan ngunit hindi iyon akma sa dami ng taong pwedeng makakita.

" Don't worry, it's just a light drink, purposely made for girls "

Gulat akong napalingon sa left side ko, napamaang ako ng makita Ang isang lalaki. Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang muka nya, Mula sa matangos nyang ilong, makapal na kilay, mapulang labi at katamtamang hugis ng muka.

" In short gwapo " napabaling agad ako sa kaibigan ko ng magsalita ito. Pinanlakihan ko sya ng mata, dahil baka marinig sya ng lalaking katabi ko.

" Psh! Hindi mo ako maloloko, Alam Kong dinedescribe mo iyang poging lalaki sa utak mo " bulong nya sakin. Kilalang Kilala talaga ako ng kaibigan ko.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now