25

156 12 30
                                    

Aqui's POV

Halos maging kulay ube na ako sa sobrang pagpipigil ng hininga. Not totally pinipigilan sadyang ang hirap, ultimo simpleng galaw ay hindi ko magawa.

Pasimple kong nilingon si Caile na noon ay tutok na tutok ang paningin sa labas. Ni hindi nya man lang ako nililingon at tila nalunod na sa sariling pag-iisip.

Tuluyan na rin akong binalot ng konsensya. Gustuhin ko mang bawiin ang sinabi ko kanina ay huli na.

What the hell is wrong with you Aqui?

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

Hindi ko naman sinasadyang ipaalala iyon sa kanya. Pero ano nga kaya ang totoo?

Nakalimutan nya ba talaga? At ngayon lang ulit naalala nang sabihin ko yun sa kanya?

Aish! Mababaliw ako kakaisip. Dumagdag pa ang putang inang nantritrip sakin.

"Nandito na po tayo Ms. Aqui" nilingon ko si Arvin at binigyan ng blankong tingin. Ipinagmaneho nya kami mula bahay pabalik sa forestpark.

Muli kong nilingon si Caile. Walang nagbago sa itsura nya. Nakatulala pa rin sya sa labas ng bintana, mukang hindi nya namalayang tumigil na ang sasakyan.

Lumunok ako bago huminga nang malalim. Hindi ako sanay na ganito sya, sa kanya lang ako kinabahan ng ganito tsk!

"C-Caile, we're here--"

"I know" naputol ang pagsasalita ko nang bigla syang sumagot sa napaka lamig na paraan!

Para akong hinugutan ng hininga nang dahan dahan nya akong lingunin at bigyang ng blankong tingin! Bago ilipat kay kuya Arvin at mababa iyong tanguhan. Binuksan nya ang pinto ng kotse at dere-deretsyong lumabas.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Parang wala syang kasama, ni hindi ako nililingon. Kinabahan ako dahil medyo madilim na ang paligid. Pasado Alas nwebe na.

Nauuna syang maglakad habang nasa likudan nya ako. Natatakot akong baka bigla syang tumigil tapos lamunin ako ng buhay grrr!

Tsk! What the hell Aqui! Naprapraning kana.

Mabuti na lamang at nakarating agad kami sa campsite. Halos wala nang studyante sa labas, marahil ay nasa kani-kanila ng tent. Agad kaming dumeretsyo sa area namin. Saan pa ba? Edi sa dulong bahagi kung saan malayo sa mga to.

Edi kayo na ang anak ng Diyos.

"Caile!!" agad kong sinalubong ng tingin ang tumatakbong si KC. Napangisi ako nang para syang batang sumasalubong sa nanay nya. Nakasunod sa kanya yung tatlo. Matapos nilang yakapin si Caile ay sakin naman sila lumapit pero dahil hindi ako fan ng physical touch ay nginitian ko lang sila maliban kay Adi.

Ilang segundong may kuryenteng dumaloy sa mga mata namin nang magtama iyon. Ako ang unang nag iwas ng tingin at itunuon kay KC.

"Tsk! Parang si Caile lang ang dumating ah, pangalan nya lang ang sinigaw mo" kunwaring asar na sabi ko. Agad namang nanlaki ang mata nya bago ako hampasin.

"Ano ka ba! Napaka selosa mo naman! HAHAHA may kailangan kasi kami sa kanya" ani nya sakin. Agad namang nangunot ang noo ko.

Ano naman ang kailangan nyo dyan?

"Psh! Sabi na eh! I hate you" angil naman ni Caile. Gumaan ang loob ko nang makita ulit syang makipag asaran sa kanila. Akala ko mananatili syang walang kibo at tahimik e tsk!

"Tara na don. Kanina kapa hinihintay nila Tetet" singit naman ni Aliyah habang nakaturo pa sa gitnang bahagi ng area namin. Agad ko yung tiningnan. Nagulat ako nang ang lahat ng humss 2 ay nakapalibot pabilog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden Connection Where stories live. Discover now