20

280 74 53
                                    

Aqui's POV

"San ka galing?" bungad sakin ni Caile nang makarating ako sa area namin. Kaya naman pala hindi ko sila makita ay sa tagong parte sila naka pwesto. Kung hindi ko pa lalapitan si Ms. A para magtanong ay baka maubos ang maghapong ito sa paghahanap ko sa kanila.

"Inutusan ako ni Sir Mathew" sagot ko dito habang tinutungo ang kinapwepwestuhan ng tent namin. Nakipagbatian din ako sa mga kaklase namin na para bang kay tagal naming hindi nagkita gayong isang oras lang naman akong nawala.

"Yun lang?" muling tanong ni Caile, hinawakan nya pa ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya. Sa itsura nya ay mukang may gusto syang malaman. Ilang libro na naman kaya ang nasinghot nito tsk!

"May iba pa ba dapat?" sarkastiko kong tanong pabalik sa kanya ngunit nanatili lang syang nakatingin sakin. Pabuntong hininga kong iniwas ang paningin ko sa kanya habang inaalis ang dalawa nyang kamay na nakahawak sakin. Kunwari ko na lamang pinagmasdan iyong tent. Mas malaki iyon kumpara sa normal, kasyang kasya ang apat hanggang limang tao. Tumutugma ang kulay niyon sa dahong nagkalat sa kapaligiran.

"Bakit dala dala nya yung gamit mo?" ibinalik kong muli ang paningin ko kay Caile na nakakunot noong nakatingin sakin. Ano bang gustong malaman nito? Tsk! Kung nag iisip lang sana si no parking! bakit ba kasi sya pa ang nagdala non dito? Pwede namang hintayin nya nalang ako? Pero bakit nya naman ako hihintayin? Pa importante ganon?

"Kasi nga inutusan nya ako" kaswal kong sagot sa kanya. Iyon naman talaga ang dahilan at wala ng iba pa. Kung bakit naman kasi sa dami dami ng studyante dito ay ako pa ang inutusan nya. Kung sa tutuusin ay kaya nya naman yung buhating mag isa.

"Pinapaikot mo lang ako!" Napaigting ako nang bigla syang nagtaas ng boses. What the hell is her problem!? Nilingon ko agad ang mga kaklase namin na noo'y tumatawang nakatingin kay Caile. Nasisiguro kong dahil iyon sa hinhin nang pagsigaw nito. Kapag nagtataas sya ng boses ay hindi mo aakalaing sumisigaw sya dahil sa sobrang hinhin non. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nasisindak sa kanya kahit na sumigaw pa sya nang sumigaw minu-minuto.

"Iyon naman talaga ang dahilan" pabuntong hininga kong ibinalik sa kanya ang paningin ko. "Inutusan nya akong magbuhat ng mga box" patuloy ko pa ngunit mukang hindi pa din sya kumbinsido.

"Sabi ko madami akong dala kaya nag presinta syang dalhin ang gamit ko kapalit nang pagdadala ko ng mga box" eksplanasyon ko dito para manahimik na sya. Hindi ko maintindihan ang babaeng to. Anong gusto nya? Sabihin kong nagpaka gentleman ang no parking na iyon kaya nya dala dala ang bag ko? Tsk! Kalokohan!

"Yung totoo?" paninigurado nyang muli. Seriously? Kailan nya pa ako pinagdudahan?

"Yun nga, muka bang nagsisinungaling ako?" kunwaring inis kong tanong sa kanya ngunit inismiran nya lang ako.

"Para kasing imposible yang sinasabi mo! Kahit utusan ka non ay hindi ka nya pagdadala ng gamit! Yung mukang yon? Mas maniniwala pa ako kung pinabuhat nya sayo nang sabay yang bag mo at yung box na sinasabi mo!" natawa ako sa sinabi nyang iyon. Well, kahit ako ay mas maniniwala sa ganon. Di hamak na mas kapani paniwala nga namang pahirapan nya ako kaysa tulungan. Pero hindi ka din naman nya tinulungan aqui! Ginawa nya yon dahil may inutos sya, wala ng iba! kumbinsi ko sa aking sarili. Oo nga't masungit sya at intimidating ngunit mabait din naman sya kung minsan.

"Huy! Girl! Andito kana pala" masayang lumapit sakin si KC, kunwaring hinampas nya pa ang braso ko. Ngumiti ako sa kanya maging kay Keith, Aliyah at Adi tho naging peke na ang ngiti ko pagdating kay Adi.I don't know why his presence makes me uncomfortable. There's just something about him that puts me on edge. It's like an instinctive reaction I can't fully explain.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now