23

245 33 4
                                    

Aqui's POV

"Ms. Miller" isang pamilyar na boses ang aking narinig bago ako unti unting magmulat. Muli akong napapikit nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw.

"Aqui..." nang marinig ang boses ni Caile ay dahan dahan kong iminulat muli ang aking mata. Inaninag ko ang pinanggagalingan non hanggang sa bumungad sakin ang nag aalalang muka ng mga kaklase ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa kanila. Bahagya silang nakapalibot habang nakadungaw sa akin.

"Ms. Miller, are you ok?" bumaling ako sa tagiliran ko, doon ay nakaluhod si sir Mathew at bahagyang nakadungaw sa akin.

Hindi ko sya sinagot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Nangingirot ang aking sintido at nananakit ang aking batok.

Ano nga bang nangyari?

Ang tanging naaalala ko lang ay hawak ko ang flag at saktong haharap na ako ay may biglang sumipa sa batok ko. Para akong pinompyang sa sobrang sakit nang pagkakasipa sakin tsk!

"Kaya mo bang tumayo?" muling tanong ni sir Mathew. Agad kong iniangat ang aking sarili ngunit naging mabagal iyon dahil sa sakit na aking iniinda. Nang tuluyang makaupo ay bigla akong napahawak sa aking ulo nang bigla iyong kumirot. Napapikit ako sa sobrang sakit. Kinabahan ako nang may maramdamang likido doon.

"Dalhin na kaya natin sya sa hospital?"

"Ano bang nangyari?"

"Hala dumudugo!"

Kanya kanyang ingay ang mga kaklase ko. Halos lahat sila ay nakapalibot sa akin kasama ang ilan sa mga teachers.

Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay habang inaalis iyon sa pagkakahawak sa aking ulo. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko maging ang aking paghinga habang dahan dahan kong ibinababa ang aking kamay upang tingnan iyon.

"Ms. Miller??"

"Ayos lang ba sya?"

"Gaga malamang hindi!"

"Can you please quite!?"

"Bakit ang tagal dumating ng RCYC!?"

*( RCYC- Red cross youth council)
- Red Cross Youth Council is an organization within their school composed of selected students equipped with first aid proficiency. They respond to minor incidents occurring among the students on campus.

Parang nang e-echo lang ang kanilang mga sinasabi sa akin. Hindi ko iyon maintindihan. Matingkad na kulay pulang likido ang bumungad sakin nang tuluyan kong makita ang kamay ko. The terror I'd always dreaded was now a reality on my trembling hands.

All I could see was the blood, a crimson reminder of my deepest fear, my deepest secret. My heart raced as the sight of my own blood triggered a haunting flashback-a memory buried deep within.

"T-tulungan m-mo a-ako, S-shayan"

"A-ah!"

"I-I'm s-sorry...p-p-patawadin m-mo a-a-ako"

Naihawak ko ang pareho kong palad sa aking ulo at nakasabunot na tumungo. Ipinikit ko ang mata ko upang maiwaksi ang ala-alang iyon.

"S-S-Shayan..."

"T-T-Tulong....a-a-ayoko p-pang m-m-mamatay"

Forbidden Connection Where stories live. Discover now