06

446 141 11
                                    

Aqui's POV

Nag tuloy ang klase hanggang sa matapos ang second subject. Sa loob ng dalawang oras ay wala naman akong naintindihan. Maging sa pagkain ng pananghalian ay nanatili akong tahimik at nag iisip. Sinong makakapag focus pagkatapos ng nangyari kanina? Bukod sa naguguluhan ako sa katauhan ni Sir Mathew at Sam ay nagpaulit ulit din sa pandinig ko ang sinabi ni sir Mathew. Tssk! Totoo nga't pogi sya pero kailangan nya pa bang sabihin sakin yun?

Muli pa akong natawa nang ipaglandakan nya talaga na sukdulan sya ng gwapo. Kahanga hanga ang pagiging mahangin nya.

"Good afternoon class!" bumalik ako sa reyalidad nang bumati ang teacher namin sa physical education.

"For sure ay kilala nyo na ako dahil palagi nyo naman akong nakakasalubong but I want to formally introduce my self " huminto sya sa pagsasalita upang ngitian kaming lahat.
"My name is Jess Crigler, and I'll be your physical education teacher for the entire semester. It's a pleasure to meet all of you."ngumiti sya matapos magpakilala.Sa tingin ko ay nasa 20's ang edad nya. Maganda sya at sexy kung kaya't nakakapagtakang physical education ang ituturo nya gayong kalimitan sa P.E teacher ay lalaki.

"Since wala tayong court ay hindi ko na kayo paglalaruin ng mga outdoor sports. We will focus on indoor sports. Is that acceptable to everyone?" Matapos nyang magtanong ay agad kaming nagsipagsagutan ng "yes". Pansin kong walang open areas dito pero may tinatawag silang "activity area" kung saan kami andito ngayon. Sa tingin ko ay dito ginaganap ang p.e dahil may mga gamit dito na pang sport. Kagaya na lamang ng table tennis, Arnis at badminton rackets.

"But before that ay may ipapagawa ako sa inyo. Don't worry dahil related ito sa P.E" Natural sa kanya ang pag ngiti pagkatapos magsalita. Para bang naka program na iyon sa kanya.Bagamat muka syang model ay hindi maarte ang kanyang pananalita. Kapansin pansin din ang natural na paghanga ng mga lalaki kong kaklase.

"Tumbling will be perform by everyone" WTF??? Gaya ng inaasahan ay napuno ng ingay ang buong activity area. Sinong hindi magugulat?

"Sabay sabay po?" Umaasang tanong ni Aphril. Naiintindihan ko sila, hindi naman lahat ay marunong non tsk!.

Umiling si Ms. Crigler bago magsalita.

"One by one" Inisa isa nya din sabihin ang bawat salita. Nakita kong manlumo ang lahat maliban sa mga lalaki. Malamang ay marurunong sila dahil hobby ng mga lalaki iyon. Bagamat mukang hindi naman maaarte ang kaklase kong babae mukang hindi naman sila marurunong dahil sa mga reaksyon nila.

Ilang sandali pa ay nagsimula na sila. Nauna ang mga lalaki, gaya ng inaasahan ay nagawa nila iyon ng tama. Ang ilan ay makailang ulit pa itong ginawa tila nagpapahanga. Sumunod ay ang mga babae, gaya ng inaasahan ay hindi ito naging madali sa iba. May mga lumagapak lang sa sahig, bagaman ay ang iba ay hindi nagtagumpay halata namang sinubukan nila itong magawa. Dahil alphabetically arrange ay nauna si Caile sakin at talaga namang lintik ang tawa ko dahil pag tumbling nya ay hindi naman sya umangat sa sahig ngunit nagawa pang masubsub sa dito. Masuwerte na lamang sya at naiharang nya ang pareho nyang kamay. Agad ding nagtawanan ang mga kaklase namin hindi dahil sa pagsubsub nya sa sahig kundi sa paghingi nya ng pasensya dito. Oo! nag sorry sya sa sahig! Dahilan upang maging si Ms. Crigler ay matawa. tsk! kahit kailan!

Nagtuloy tuloy ang pagtumbling ng mga sumunod kay Caile hanggang sa maging ako na. Hindi naman ako kinakabahan ngunit hindi ako sanay tumambling sa harap ng maraming tao na nasa akin lang ang atensyon. Puwesto ako sa gitna, kaharap si Ms. Crigler.Matapos nyang sumignal ng "go" ay tumalikod ako sa kanya upang magsimulang tumambling ngunit bago ko pa ito magawa ay biglang pumasok si Sir Mathew!! Deretsyo syang tumingin sakin dahilan upang matigil ako! Palibhasa'y sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat ay hindi nila nakita ang pagpasok ni Sir Mathew, nasisiguro kong hindi nila ito napansin dahil may kalayuan ang pinto ng activity area ngunit nakaharap iyon mula sa pwesto ko.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now