17

312 97 20
                                    

Caile's POV

Inip na inip kaming nag hihintay dito sa labas ng campus. Pano ba naman, thirty minutes na ang nakalipas nang makaalis ang bus ng lahat ng strand maliban samin!

Hindi na maipinta ang muka ko sa sobrang pagkasimangot habang ang mga kaklase ko ay parang ayos lang sa kanila na naiwan na naman kami. Hindi ba dapat sila ang unang magrereklamo? Knowing them halos lahat ng gawin ng president namin ay may reklamo sila.

Inis kong tiningnan si Nathan na kasalukuyang hindi mapakali kakapindot sa cellphone nya, malamang ay tinatawagan na nya nang tinatawagan ang nirentahan naming bus.

Bakit ba kasi iisa ang bus ng campus na to? Nakalaan ang bus na iyon para sa mga teachers na sasama habang ang bus ng bawat strand ay kanya kanyang renta. Syempre president ang nag asikaso non kaso itong president namin taga neptune pa ata ang nirentahan tks!

"Uy! Anyare sayo? Hindi na maipinta yang muka mo" napalingon agad ako kay Aliyah nang magsalita ito, agad ko syang pinagtaasan ng kilay.

"Ganto ba ang fieldtrip sa inyo? Pagdating palang ng bus ang tagal na! Baka damo nalang maabutan natin don?" sarkastiko kong sagot sa kanya na agad nyang ikinatawa. Gusto ko syang batukan, Anong nakakatawa don? Bakit hindi sila magsama ni spongebob!

"Huminahon ka nga" tawa tawang sabi nya pa, agad ko syang inismidan.

"Mahinahon ako, ni hindi nga tumataas ang boses ko, anong hinahon pa ba ang gusto mo?" inis ko sabi sa kanya ngunit bahagya akong nagtaka nang lumalampas sa akin ang paningin nya. Agad ko iyong sinundan ng tingin patungo sa likudan ko.

Si Aqui?

Prente itong naka sandal sa gate ng campus namin habang kausap si Rodora. Sa tingin ko ay hindi naman seryoso ang pinag uusapan nila dahil bahagya silang tumatawa.

Nang ibalik ko kay Aliyah ang paningin ko ay deretsyo na syang nakatingin sakin. Ngumiti sya ngunit hindi man lang iyon umabot sa mata. Mas lalo ko iyong ipinagtaka.

"Bakit?" puno ng kuryosidad na tanong ko. Ilang nyang iniiwas sa akin ang paningin nya ngunit parang may gusto syang sabihin.

"Uy, ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko, nakakapagtaka naman kasing biglang nag bago ang mood nito. Muli syang tumingin sakin, bumuntong hininga sya bago nagsalita.

"Sa tingin mo pano napapayag ni Aqui si Ms. Rory?" patungkol nya sa school principal namin. Maging ako naman ay nagtaka doon. Muling bumalik sa isip ko iyong pag wa-walk out ni Aqui. Akala ko nga'y nainis lang iyon kaya sya lumabas ngunit nang makabalik si Ms. A ay sinabi nyang pumunta si Aqui sa principal office para kausapin si Ms. Rory! Syempre nagulat kaming lahat! Pero ang mas ikinagulat namin ay nang iannounce ng assistant principal na makakasama na ang block namin sa fieldtrip!

I mean, pano nangyari iyon? Anong klaseng pagkausap naman ang ginawa ni Aqui para mapapayag si Ms. Rory? Lalo pa't sinabi ng mga kaklase ko na walang nakakapagpabago ng isip non maski si sir Mathew!

Syempre paulit ulit kong tinanong si Aqui tungkol doon dahil mamamatay na ako kakaisip pero paulit ulit din ang naging sagot nya tks! Pakiramdam ko ay may itinatago sya eh.

"Wag mo na ngang isipin, I'm sure hindi mo din naman alam" natauhan ako nang magsalita bigla si Aliyah, tumatawa na ulit sya, weird! Tumawa nalang din ako ng peke dahil hindi ko naman talaga alam tks!

Maya maya pa'y nagsilingunan ang mga kaklase ko sa gate syempre nakigaya ako.
Doon ay lumabas ang halos lahat ng teachers! Paalis na sila? So, maiiwan talaga kami? Nagpa iwan kasi sila nang malamang wala pa ang bus namin, sinamahan nila kaming maghintay pero wala namang dumating! Tuloy ay lalong sumama ang muka ko.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now