07

429 133 10
                                    

Caile's POV

Nang makaalis si Aqui ay dumeretsyo na kami sa canteen. Sa dadalawang araw na nanatili ako dito ay ibang saya na ang naramdaman ko. Sa tuwing napupuno ng tawanan ang classroom namin ay pansamantala kong nakakalimutan ang mapait na ala-alang ayoko ng balikan.

Pinagmasdan ko si Aliyah, KC, Keith at Adi, Masaya silang nagtatawanan. Ang totoo ay walang oras na hindi sila tumatawa at totoong hinangaan ko iyon. Kakaiba ang uri ng pagkakaibigan nila at masaya akong napabilang kami ni Aqui doon.

" Wag kang mag alala, mahal ka non " Napalingon ako kay Aliyah, nakangiti sya sakin. Bigla ay kumunot ang noo ko.

"Anong mahal? Sino? Ako?" Sunod sunod na tanong ko at tumawa naman sya gayon na din ang iba pa naming kasama. Parang mga t*nga!

"Ano ba kasing iniisip mo?" tanong ni Aliyah.

"Baka boyfriend nya HAHAHA" Agad kong pinanlakihan ng mata si KC matapos sabihin iyon!

"Ano! Wala ah! Wala nga akong crush, boyfriend pa!" Depensa ko na agad nilang tinawanan.

"Sa ganda mong yan wala kang boyfriend?" Nagugulat na tanong ni Aliyah.

"Dapat ba meron?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Oo!" Nagitla ako sa sabay sabay nilang pagsigaw. Taray nag practice?

"Bakit naman?"

"Syempre teh! Sila ang nagbibigay liwanag sa buhay natin" Ani ni KC, pinaghawak nya pa ang kamay na at inilagay sa puso, animo'y may naaalala.

"Ah-uh" Iling ko "I don't need boys to light up my world, for I radiate my own brilliance" dagdag ko pa. Ngumiti ako sa kanila pero nagtaka ako ng nanatili silang nakatingin sakin.

"Bakit?"

"Kailangan english sis?" Tanong ni Aliyah, natawa naman ako.

"Para cool HAHAHAHA" Tawa ko pa.

"Sa sobrang cool brilliance lang naintindihan ko " Kamot ulong sabi ni Keith At ayun na naman ang hagalpakan nila.

Matapos namin bumili ay dumeretsyo na kami sa parking lot. Sa byahe daw nila kakainin ang mga binili nila para cool.HAHAHAHA mga buang.

Habang naglalakad sa kani kanilang sasakyan ay napatigil ako. Taka kong tiningnan si Aqui na naka ub-ob habang naka upo sa kalsada sa gilid ng sasakyan nila. Anong nangyare?? Sa kaba ay tumakbo ako papunta sa pwesto nya dahilan upang maagaw ko ang atensyon ng mga kaibigan namin. Naramdaman kong sinundan nila ako.

Tumigil ako sa harap ni Aqui, Nalilito ko syang tiningnan at doon ko nakita ang kulubot na papel na hawak nya. Agad akong umupo para pantayan sya.

"Aqui" Nag aalalang tawag ko dito. Umasta pa ako na hahawakan sya ngunit hindi ko naituloy dahil sa biglang pagtatanong ng mga kaibigan namin.

"What happend to her?" Nag aalalang tanong ni Aliyah.

"Ayos lang ba sya?" Ganon din si KC

"Ano bang nangyari?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Keith.

Tumayo ako para harapin sila, Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat sila ay may nag aalalang tingin maliban kay Adi na walang emosyong nakatingin kay Aqui.

"Ah ako ng bahala sa kanya, mabuti pa umuwi na kayo" Nag aalala pa ding ani ko sa kanila. Ang mga mata nila ay agad na tumutol kung kaya't bago pa sila kumontra ay nagsalita ulit ako.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now