18

303 89 22
                                    

Aqui's POV

'Arroceros Forest Park'

Basa ko sa nameboard na nakalagay malapit sa gate. Malaki iyon kung kaya't mula palang sa binatana ng bus ay tanaw na tanaw na ang pangalan ng park.

May ganito pala dito? Sa isip isip ko, palibhasa'y madalas ay sa Mall ako naglalagi.

Nang tumigil ang bus sa harap mismo ng gate ay tumayo ang assistant principal ng campus, si sir Neix. Bagamat myembro sya ng LGBTQA+ community ay panlalaki syang manamit, ang buhok nya ay hindi nalalayo sa hair style ng mga lalaki habang ang balat nya naman ay may katamtamang kulay.

"Make sure na wala kayong maiiwang gamit dito sa bus, humss 2. After bumaba ng mga teachers ay sumunod na kayo" matapos nyang sabihin iyon ay agad nyang kinuha ang gamit nya at bumaba. Agad namang nagsi sunuran ang mga teachers, bitbit ang kanya kanyang bag.

Agad kong kinuha ang dala ko, Isang malaking bag at isang handy bag lang iyon. Hindi na ako nagdala ng masyadong maraming gamit dahil dalawang araw lang naman kami dito.

Agad ding kumilos ang mga kaklase ko, bitbit ang kanya kanyang malalaking bag. Ang iba ay may dala dala pang kung ano anong lutuan gaya ng rice cooker. Siguradong may dala din silang make ups at gadgets. Natawa ako nang makitang may bitbit na foldable chair si Ivan. Mas lalo pa akong natawa nang pagtulungang dalhin ni Mark at Paolo ang dala dala nilang portable washing machine!

Ang liit liit naman non pinagtulungan pa amp. At syaka maglalaba ba sila dito??

Napailing nalang ako, ang akala ko kasi'y hindi sila masayang makakasama dito dahil mula nung iaannounce ang fieldtrip ay bigla silang nanahimik, maging buong byahe ay tahimik sila but look at them, parang balak nilang dito na tumira Tsk!

Nang maka baba ay agad kong inilibot ang mata ko. Hindi ko akalaing may ganito kagandang lugar dito sa manila.

Nilanghap ko ang preskong hangin. Iyong aakalain mong hanging nagmula sa probinsya. Nasisiguro kong dahil iyon sa mga punong nagkalat sa paligid.

"Aqui, patulong naman ang bigat eh" nilingon ko si Caile at walang kasing sama ang muka nya.

Pano ba naman, dalawang malaking bag ang dala nya at isang maleta!

Pinagkunutan ko sya ng noo, tsk! Sa bahay palang ay sinabihan ko na sya na bawasan nya ang dala nya at hindi naman kami mag aabroad! Ang sagot nya? "Wala kang pakeelam!" Tapos ngayon hihingi sya ng tulong? Tsk! Buhatin mo yang mag isa!

Agad akong naglakad palapit kay Caile at kinuha ang isang malaking bag. Nang makuha ko ang bag ay muntikan pa akong mawalan ng balanse!

"The heck? Ano bang laman nito, bato?" inis kong singhal sa kanya, agad naman syang nag peace sign! bwesit! bwesit!!

Naging mabagal ang paglakad ko dahil sa dalawang bag na nasa likudan ko. Pakiramdam ko ay sasakit ang likod ko mamaya.

Nang tingnan ko si Caile ay malayo na sya sakin. Palibhasa'y ang isa pang malaking bag ay inilagay nya sa kanyang maleta dahilan upang paghila lang ang gawin nya. Tsk! Bakit ba ako nagpauto sa kanya!?

"Hoy bilisan mo!" Ayun at sya pa itong nagmamadali! Sinamaan ko lang sya ng tingin bago nagpatuloy sa paglakad. Mamaya sapak ka sakin!

"Ms. Miller" napaigting ako nang may magsalita sa likudan ko. Nasisiguro ko ang may ari ng boses na yun.

Agad ko syang nilingon ngunit maging iyon ay mabagal kong nagawa. Pakiramdam ko ay maihuhulog ko ang bag na nasa likod ko dahil sa bigat niyon.

Deretsyo syang nakatingin sakin ngunit bahagyang nakakunot ang noo nya. Pinasadahan nya pa muna ako ng tingin dahilan upang mailang ako. Ano na naman bang kailangan nito?

Forbidden Connection Where stories live. Discover now