15

361 112 6
                                    

Caile's Pov

"Grabe ang tapang nyo" maya maya'y sabi ng ilan sa mga kaklase ko matapos naming bumalik sa room para sa afternoon class. Nakapalibot kaming nakaupo sa kanya kanyang upuan, ang iba ay kanya kanyang daldalan ngunit ang karamihan ay sa akin nakatingin. Nakakailang naman, maya't maya kasi ang papuri nila samin ni Aqui. Speaking of, bakit ang tagal naman non bumalik? Siguro nag je-jebs yun HAHAHAHA

"Wala naman kaming masyadong ginawa" kamot ulo kong sagot, agad naman silang nagsipag ilingan.

"Anong wala? Eh sinagot sagot nyo nga si Ms. Rory" Ani ni KC

"Kayo lang ang nakagawa non" dadag ni Mark

"Oo nga! Ang galing nyo! Galit na galit sya" Tawa tawang sabi naman ni Paolo. Bakit masaya pa sila? baka mamaya pag initan kami non. Napanguso ako nang maisip na baka pahirapan nya ang block namin dahil sa pagsagot namin kanina.

"Buti nga sa kanya! Totoo namang unfair sya!" reklamo ni Tetet, agad nagsipag sang ayunan sa kanya ang lahat.

"Bakit walang nagrereklamo?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

"Eh kasi nga principal sya, Kahit nga mga teachers hindi makareklamo don kahit ang sama sama ng ugali non!" si Shamira ang sumagot, napabuntong hininga naman ang lahat.

"Bukod tanging si Sir Mathew ang matapang na sumasalungat don! Ang ibang teachers ay wala ring magawa" Ani naman ni Angie, nagulat pa ako nang makitang may maliit syang kalmot sa leeg. Nasisiguro kong dahil iyon kanina.

"Pansin ko nga" pabuntong hininga kong sagot. Hindi ko alam pero bigla ay nawala ako sa mood. Malalim din ang aking iniisip, Paanong alam nya ang tungkol don? Hindi sya nagdalawang isip na sabihin iyon. Kung hindi ko pa sya napigilan ay paniguradong hindi paghanga ang mararamdaman ng mga kaklase namin. Wala syang kasing sama.

Lumingon ako kay Aqui nang maupo sya sa tabi ko. Bakit nga ba ang tagal nitong bumalik?Natapos nalang kaming magdaldalan. Nang makabalik sya kanina ay agad syang pinuri ng mga kaklase namin gaya nang ginawa nila kanina. Matapos non ay inayos na namin ang aming mga pwesto dahil ilang minuto nalang ay oras na ng kasunod na klase. Dahil na din sa nangyari kanina ay hindi na kami nakapagklase ng Statistics and Probability, Buti naman dahil ayaw ko talaga sa math.

Kunot noo kong tiningnan si Aqui. Titig na titig kasi sya sa boteng hawak nya, animo'y hinahanap nya doon si spongebob. Pero bakit nya naman hahanapin si spongebob don? Eh sa pinya yun nakatira? Weird. Puno ng kuryosidad kong inilapit ang muka ko sa boteng hawak nya at pinagkatitigan iyon. Nandito nga kaya si spongebob?

"What are you doing?" agad kong nilingon si Aqui, nakakunot na ang noo nya sakin. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Kailangan nyang maliwanagan

"Sa pinya nakatira si spongebob" seryosong ani ko dito dahilan upang mas kumunot ang noo nya. Sa sobrang pagkakunot ay naging isang linya ang kilay nya!

"Ano?" kunot noong tanong nya sakin, Ayun na naman ang paborito nyang salita! Makakailang bigkas kaya sya non? Syempre hindi ako nagpatalo, agad kong isinagot ang paborito kong pambara dito.

"Kailan ka pa naging bingi?" nakangiwi kong sagot sa kanya! Agad nya akong tiningnan ng masama.

"Kung ano ano kasi--"

"ang sinasabi mo" agad kong dinuksungan ang sinasabi nya, ginaya ko pa ang paraan nya nang pagbigkas doon dahilan upang makatikim ako ng hampas!

"Ano ba!" angil ko

"Ilang libro na naman ba ang nahithit mo at nagloloko na naman yang utak mo!" ayun at pikon na sya, agad ko naman syang sinimangutan! Palibhasa'y tamad syang magbasa tse!

Forbidden Connection Where stories live. Discover now