16

340 114 7
                                    

Aqui's POV

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ikinuwento ni Caile. Kaya heto at lalata lata akong naglalakad papuntang campus. Nag commute lang kasi ulit kami, wala kaming nakuhang taxi kung kaya't nagdesisyon nalang kaming mag jeep. At dahil first time naming mag jeep kanina, sobra sobra ang kahihiyan na naranasan namin. Tsk! Pano ba naman imbes na cash ang iabot na bayad ni Caile, credit card ang iniabot nya! Inosente nya pa iyong ginawa na para bang nagmamalaki pa syang mas maalam sakin! Ang ending ay pinagtawanan kami ng mga pasahero. Hindi naman malayo ang babaan sa campus kaya nilakad na namin. Syempre hindi na naman matigil sa pagdaldal itong kasama ko at ganon din naman ako. Paulit ulit nyang ikinuwento ang nangyari sa Police station at paulit ulit din iyong pinagtawanan.

Nang nasa tapat na kami ng campus ay may dumaan na motor sa harap namin. Tumigil iyon sa harap mismo ng entrance ng campus hindi alintana ang sign na nandoon. Saglit akong huminto dahil pamilyar ang hugis ng katawan nya. Nang mag alis sya ng helmet ay talagang nanlaki ang mata ko! kapag minamalas ka nga naman! Kakasabi ko lang kanina na iiwasan ko sya eh! Sino ba namang hindi kakabahan sa presensya nya matapos ang kahihiyang ginawa ko?

"Ang weird nya noh?" agad akong napalingon kay Caile at nakatingin na din sya kay sir Mathew na kasalukuyang inaayos ang motor nya.

"Pano mo naman nasabi?" kunot noong tanong ko, Lahat ba weird sa paningin ng babaeng to?

"Kasi ang laki laki nung sign na 'no parking' tapos dun pa sya nag park! Sa harap mismo nung sign! Engot!" Pagkasabi nya non ay pinanlakihan ko sya ng mata dahilan upang matakpan nya ang bibig nya!

Siraulong to! Sabihan ba naman ng engot yung teacher!? Pero sabagay may point naman sya. Bakit nga ba dun nag park yun eh ang laki laki nung sign at talagang sa mismong harap pa nung sign! Nakita naman ito ng guard pero wala iyong sinabi, hindi alintana ang ginawa ni sir Mathew! Weird nga!

Naglakad na kami papasok ni Caile pero agad din kaming napahinto! Nag a-attendance kasi si sir Mathew sa reception desk ng school. Nakatungo sya habang nagsusulat sa isang papel. Hindi ko alam pero hindi ko naman ginustong huminto, parang may sariling isip ang katawan ko para huminto iyon. Pinagmasdan ko si sir Mathew na kasalukuyang nakatalikod sa pwesto namin. Ang ayos ayos nyang manamit, maging ang tindig nya ay lalaking lalaki. Ang pabango nyang palaging kong naaamoy ay sinakop ang buong paligid. Bakit kaya pambabae ang pabango nito? Noon pa man ay napansin ko na iyon, noong una ay inakala kong babaero sya dahil sa amoy ng pabango nya pero halos araw araw ay ganon ang amoy nya dahilan upang mapagtanto kong pambabae talaga ang pabango nya, Weird.

Bigla akong napa igting sa gulat nang bigla syang tumingin ng deretsyo sakin matapos nyang pumirma. Naramdaman nya ba na kanina pa kami andito? Tsk! Ano ka ba naman kasi Aqui! May pa tigil tigil ka pang nalalaman!

"G-goodmorning sir" bati ni Caile dito, ramdam sa boses nya ang kaba. Mula sakin ay inilipat ni sir ang paningin nya dito. Saglit nya itong tiningnan bago ilipat muli sakin ang paningin nya dahilan upang magulat ulit ako! Hindi kaya galit sya dahil sa ginawa ko? Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang maisip iyon.

"Good morning" sa akin nya sinabi iyon! Saglit nya pa akong tiningnan bago tumalikod at maglakad palayo. Hindi naman ako yung nag goodmorning bakit sa akin ka bumati? Tsk!

"Nice, ako yung nag goodmorning sir, ako" kunwari pang umiiyak na ani ni Caile habang nakaturo pa sa kanyang sarili. Baliw!

Nang makarating sa room ay agad kaming umupo. Gaya ng palaging ginagawa ay nagdadaldalan na naman ang mga kaklase ko kabilang na si Caile na hindi matigil sa pag kuda. Kung ano ano ang pinag uusapan nila ni Aliyah at syempre hindi ko maiwasang hindi marinig dahil katabi ko lang naman sila.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now