11

386 123 7
                                    

Aqui's POV

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinabukasan.Agad kong inilag ang aking muka nang masinagan iyon ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto. Anong oras na ba?? Agad kong hinanap ang cellphone ko upang tingnan ang oras. Sh*t!! Ala sais na!!

Dali dali akong kumilos at nagtungo sa banyo upang maligo! Mukang may hangover pa ako dahil nakararamdam ako ng kaonting hilo!

Matapos maligo at mag bihis ay agad kong kinuha ang gamit ko. Pagkababa ko ay naabutan kong nagcecellphone si Caile sa dining table habang umiinom ng gatas. Sa laki nyang yan, nag gagatas pa sya?

"Oh gising kana pala, maupo kana"

"Goodmorning po" bati ko sa kasambahay namin bago ako maupo. 2 weeks ago ay kumuha kami ng kasambahay dahil pare pareho kaming nag aaral at walang nag aasikaso ng mga gawaing bahay. Magmula nang magkaron kami ng kasambahay ay hindi na kami nalilipasan ng gutom bagay na naranasan namin noong wala pang nag aasikaso samin. Pare pareho kasi kaming hindi marunong magluto.

"Masakit ulo mo?" tanong ni Caile na ang paningin ay nasa cellphone.

"Medyo" sagot ko habang nagsasandok ng kanin, kumuha na din ako ng hotdog at tocino.

"Grabe lasing na lasing ka kagabi" hindi ko na sya kinontra dahil alam kong mag iingay na naman sya kung gagawin ko iyon. Kumain nalang ako nang tahimik.

"Gusto mong kape?" maya maya'y tanong nya.

"Yes please"

"Manang kape daw!" sigaw nya! siraulo amp.

"Akala ko naman ikaw ang magtitimpla!"

"Ganon ba ako kasipag sa paningin mo?" nginiwian nya ako matapos non at nagsimula na ding kumain.

"Ano nga palang nangyari?"

"Nangyari?" kunot noong pabalik na tanong nya.

"Kagabi! Wala ako masyadong matandaan"

"Wala kang maalala!?" gulat na tanong nya!

"Medyo, wala na akong maalala matapos dumating nung mga pulis. Hilong hilo na kasi ako non" paliwanag ko dito, tiningnan nya lang ako at parang ayaw nya pang maniwala tsk!

"Sabihin mo na" seryosong utos ko dito.

"Dinala tayong lahat sa presinto" seryosong ani nya.

"Ano!?"

"Anong ano!?"

"Anong sabi mo!?"

"Kailan ka pa naging bingi!?"

"Saan tayo dinala?" seryosong tanong ko, kita ko namang bumuntong hininga sya bago magsalita.

"Sa presinto! Kung gusto mo, Police station para maintindihan mo!"

Talagang nagulat ako! Panong wala akong maalala gayong humantong kami sa ganon??

"Yung mga kaklase natin ayos lang ba sila?" nag aalalang tanong ko.

"Talagang pinanindigan mo ang pagiging lasinggera mo noh!?" napairap ako nang marinig ang boses na yun ni Sean. Hindi ko sya pinansin at itinuloy nalang ang pag kain ko.

"Oh kape mo"

"Salamat manang" ani ko matapos nyang ipatong sa harap ko ang kape. Agad ko iyong kinuha at ininom.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now