05

453 144 16
                                    

Aqui's POV

Napatakip ako ng tainga nang makapasok kami sa room. Tila ang lahat ay may sari-sariling mundo ngunit may pare parehong nililikha...Kaingayan!

"Grabe parang palengke naman" bulong sakin ni Caile. Hindi ko sya pinansin at nagderederetsyo nalang sa uupuan sa harapan.

Bago pa man ako makaupo ay agad akong napahinto. Nagtataka kong tiningnan si Aliyah, KC at Keith na deretsyong nakatingin sakin.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kanila.

"Ano?Anong pinarusa sayo?" Tanong ni Kc, Hinawakan nya pa ako sa braso. Agad ko namang hinila nang marahan ang braso ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Pinarusa?"

"Diba pinatawag ka sa faculty" Sabi naman ni Aliyah.

"lagot na, Ayaw pa naman nila na maco-connect tayo sa mga Stem students" problemadong saad ni Keith.

"Stem students?" Biglang tanong ni Caile, hindi ko namalayang nakalapit na pala sya. Napatingin agad ako sa kanya dahilan upang makita kong tutok na samin ang iba pa naming kaklase. Hindi ko man lang namalayang natahimik sila. Bakit ba parang ang big deal?

" Yung lalaking nakabangga nyo, Stem student yon " Ani ni Aliyah.

"So?" Naguguluhang tanong ko. Para sakin ay hindi naman big deal iyon.

" If you think it's just a normal mess, then you're wrong " biglang sabat nung class president. Nanatili kaming tahimik.

" Iniiwasan namin ang ibang strand, dahil sa tuwing may gulo kahit pa kasalanan nyong pareho ay tayong mga Humss students lang ang makikita nilang mali" Dagdag pa nya. Nagtaka ako bigla.

"But that's unfair! at syaka aksidente naman yung nangyari bakit ba parang ang big deal sa inyo " Masungit na sabat ni Caile.

"Well, If you're Humss student then expect that your world is unfair " Sinabi iyon ni Nathan habang deretsyong nakatingin kay Caile.

" Tigilan mo na nga yan Nathan, Akala mo naman ang laki ng natutulong mo sa block na to " Napatingin ako sa biglang sumabat, hindi sya nagpakilala samin kahapon kaya hindi ko alam ang pangalan nya pero muka syang boyish. Bigla namang natahimik si Nathan.

"Pasensya na kayo, iniiwasan lang talaga naming masama sa gulo. Kami kasi ang pinakamabait na strand, I mean tayo...gusto lang namin pangalagaan yung pangalan ng block natin" Ngumiti yung boyish matapos nyang sabihin iyon. Bigla akong nagulat nang biglang pumalakpak ang buong klase. May sumigaw pa.

" Woooh "

" Tetet for the win!

" Baka tetet yan"

Agad na nasundan nang malakas na tawanan ang palakpakan at sigawan matapos tumayo nung boyish at lumakad sa gitna habang iwinawagayway ang kamay.

EH??? akala ko ay seryoso kaming nag uusap dito.

"Wew!" Napalingon ako kay Caile, Halata sa muka nya ang pagtataka. Gayon pa man ay nakitawa sya at nakipalakpak... kahit kailan.

"Ganito talaga kami, hindi uso samin ang seryosohan " Biglang sabi ni KC habang tumatawa tawa pa. halata nga.

" Pero totoo lahat ng sinabi nila " nakangiting sabi ni Aliyah. As in??

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Pero pinarusahan ka ba talaga?" biglang tanong nya. Umiling ako sa kanya bago magsalita.

"Warning lang daw, Ewan ko nga bakit parang ang big deal naman. Hindi ba nila alam ang salitang aksidente?" Inis na sambit ko. Para sakin ay hindi naman ganon kalala ang ginawa ko.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now