13

363 116 23
                                    

Aqui's POV

Agad kaming bumalik sa campus matapos kumain, may natitira pa kaming 15 minutes bago mag time. Talagang pag kain lang ang magagawa mo tuwing lunch break, Kapag ako naging secretary ng DepEd gagawin kong 2 hrs. ang lunch break tsk!

"Anong meron?" bigla ay tanong ni Aliyah habang sinusundan ng tingin ang mga studyanteng nagmamadaling maglakad papuntang canteen.

"Baka may free taste" ani ni Keith na ang paningin ay nandon din sa mga studyante.

Free taste??

"Siraulo! Ang yaman yaman nyo umaasa ka pa sa free taste!?" agad na singhal sa kanya ni KC, maging ako ay natawa. Anong tingin nya dito grocery store??

"Hoy! walang tumatanggi sa libre noh!" patol sa kanya ni Keith, bago pa man lumala ay nagsalita na ako.

"Tingnan na lang kaya natin?" suhestyon ko sa kanila. Mga siraulo, manghuhula pa kung pwede namang tingnan diba? Mindset ba tsk!

Nagmadali kaming pumuntang canteen, sa entrada palang ay sari saring ingay na ang narinig namin. Pilit naming tiningnan kung ano ang nangyayari ngunit dahil sa sobrang daming studyanteng nakapalibot ay hindi namin makita ang pinagkakaguluhan nila. Napaigting kami nang makarining ng upuang lumagabog! What the hell! may nag aaway ba??

"F*ck you!!" sabay sabay kaming nagulat nang marinig ang pamilyar na boses na yon!!!

"Sh*t si Paolo!" matapos isigaw yun ni Keith ay dali dali syang sumiksik sa mga studyante! Bago pa man makakilos ay nagsunudan na sa kanya si Aliyah, KC at Adi!

Napaigting ako nang bigla akong higitin ni Caile at makipagsiksikan sa mga studyante! Ilang beses pa akong muntikan matumba at nasaktan dahil sa paghigit nya! Nang huminto kami ay sisinghalan ko na sana sya ngunit agad na nanlaki ang mata ko!!

Si Paolo, Aj, Mark at Ivan ay nakikipag suntukan sa limang lalaki!! Mas lalo pa akong nagulat na nandoon ang lahat ng Humss!! Ang iba ay umaawat ngunit mas marami sa kanila ay nakikipag away sa ibang studyante!!! What the hell?? Anong nangyayari??

"Siraulo talaga ni Keith! Nakisali pa!" ani ni KC, kahit ako ay mababadtrip kay Keith! Imbes na umawat nakisali pa sa gulo!

Agad kaming nagmadaling lumapit kay Tetet, kasama ang halos lahat ng babae sa block namin. Doon ay nakita namin na nakikipag sagutan sila sa mga babaeng studyante! Ano ba to!? Bakit ba sila nag aaway? Hindi ba sila aware na masyado na silang matatanda para sa ganitong away!?

Aawat na sana kami ng may biglang mangibabaw na boses. Agad namin itong tiningnan at mula sa pwesto ng mga nagkukumpulang studyante ay lumabas ang limang studyante.

"Andyan na ang mga Icons"

"Lagot sila"

"Bakit ba nila ginagawa yan?"

"Myghad hindi na nahiya"

Bulungan pa ng ibang studyante tsk! Inis kong tiningnan ang mga Icons. Nagtuloy tuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sila sa kinaroroonan nila Paolo at mga kaaway nito, pilit nilang pinaghiwalay ang mga ito dahilan upang makita ko si Kayamanan!

Ano bang asal ang meron tong kayamanan na to at ng gugulo na naman!? Ngunit imbes na tumigil ay nagpipiglas pa ang mga ito at animo'y galit dahil natigil ang pag aaway nila.

" I said enough!!" biglang sigaw nung lalaking Icons. Sa palagay ko ay sya ang Vice president dahil palagi nyang kasama yung president ng Icons.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now