22

278 63 6
                                    

Aqui's POV

Pinili ko ang tumalikod at maglakad palayo. Mas gugustuhin ko nang takasan ang nalaman ko kaysa harapin iyon.

H-hindi ko kaya...

H-hindi ko matanggap...

Mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko nang maramdaman ko syang sumunod.
Gamit ang kamay ay paulit ulit kong pinahid ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Para bang isang walang-katapusang bagyo ang nakatira sa aking dibdib, at bawat tibok ng aking puso ay mistulang isang kulog na may halong kirot. My breathing became shallow, and every inhale was a struggle against the weight pressing down on me.

"Aqui!" rinig kong sigaw nya. Gusto kong huminto upang pakinggan ang paliwanag nya ngunit natatakot ako. Natatakot ako sa pwede nyang sabihin.

Ayoko syang pagbintangan. Gusto kong isiping mali ang hinala ko. Hindi...Gusto kong magalit dahil pinaghihinalaan ko sya.

Huminga ako ng malalim ngunit maging iyon ay napakahirap gawin dahil sa kirot na unti unting bumabalot sa akin.

I didn't know what to feel. Betrayal, anger, and hurt swirled inside me like a tempest. How could my best friend, the one person I trusted implicitly, carry something like this around? Lumuluha akong umiling, pilit iwinaksi ang aking iniisip. Hindi mo sya dapat pag isipan ng ganyan Aqui. Siguradong may paliwanag sya.

"Aqui sandali lang" habol hininga nyang hinawakan ang braso ko dahilan upang mapahinto ako. Pigil luha akong huminga nang malalim bago sya hinarap.

Bukod sa mga luhang walang tigil na lumalabas sa mga mata nya ay mga butil ng pawis ang aking nakita.

"M-mali ang iniisip mo, A-Aqui" umiiyak nyang ani. Nang marinig iyon mula sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaupo at doon umiyak.

I-I knew it...

"A-Aqui..." ramdam ko ang panginginig ng boses nya at nasisiguro kong maging sya ay naguguluhan sa reaksyon kong iyon.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya nang maupo sya sa harapan ko. Bahagyang nakakunot ang noo nya at walang tigil na umiiyak habang nag aalalang nakatingin sakin.

"A-Alam kong hindi mo yun kayang gawin" huminga ako nang malalim bago ngumiti sa kanya "I trusted you" hindi ko alam kung akma ba ang aking sinabi sa inasal ko kanina lang ngunit totoong malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kong malabong gawin nya iyon sakin. Nakahinga ako nang maluwag nang sa kanya mismo nanggaling na mali ang iniisip ko at talagang ipinagpapasalamat ko iyon.

Hindi ko na kayang mawalan ng kaibigan

Hindi na ulit...

"S-siraulo" gulat ko syang tiningnan nang sambitin nya iyon.

"Gago" ani nyang muli dahilan upang hindi ko mapigilang mangunot ang noo ko. Ang kaninang lumuluha nyang mata ay napalitan nang galit. Galit syang nakatingin sakin...

"Akala ko galit kana sakin, akala ko kung ano ano na ang inisip mo tungkol sakin! Tapos...Tapos sasabihin mong you trusted me!? Ha! Eh para saan yung pag wawalk out mo!? Mema? Para lang makapag emote ka!?" singhal nya sakin. Napapamaang ko syang tiningnan. Bwesit!
Akala ko kung ano na. Sinamaan ko sya ng tingin bago nagsalita.

"Wow! Anong gusto mong gawin ko!? Mag paparty pa pagkatapos kong makita yung mga pictures na yon sa bag mo!? Siraulo ka ba!?" singhal ko din sa kanya. Nagulat pa ako nang bigla ulit syang umiyak.

"Ang sabi mo naniniwala ka sakin?" hindi makapaniwalang tanong nya, pinigilan ko ang matawa.

"Oo nga dahil sabi mo mali ang iniisip ko" pabuntong hininga kong sagot sa kanya. Ang totoo ay hindi ko alam. May parte sakin ang nagdududa pero mas lamang iyong gusto ko syang paniwalaan.
May posibilidad na gawin nya iyon dahil higit na sino ay ako ang mas nakakakilala sa kanya maging sa kung ano ang kaya nyang gawin. Isa pa ay bestfriend din nya si Shane. Ang totoo ay mas malapit silang dalawa ngunit mas pinili ko ang paniwalaan sya dahil mahalaga sya sakin.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now