21

281 75 13
                                    

Aqui's POV

Dahan dahan kong binuksan ang zipper ng tent upang hindi makagawa ng ingay. Malamig na hangin ang sumalubong sakin nang makalabas ako.The ground was cool beneath my feet, dewdrops clinging to the grass like tiny jewels. The forest was alive with a symphony of sounds - birds chirping, leaves rustling, and a distant babbling brook adding its soothing melody to the mix.

Habang nakatayo ako doon ay unti-unting bumukas ang liwanag ng araw na nagdulot ng mga kulay na pula at ginto sa langit. Huminga ako nang malalim at nilasap ang amoy ng kapaligiran.

Gusto ko ang ganitong pakiramdam...magigising ka ng walang problema, maayos at masaya.

Natamaan ng mata ko ang iilan sa mga kaklase ko. Pasado ala sais palang ng umaga kung kaya't iilan palang kaming gising.

"Goodmorning Aqui!" masayang bati ni Tetet sakin na sinabayan ni Rodora, Angie at Zyra. Sila palang ang nandito marahil ay tulog pa ang iba.

"Goodmorning" bati ko pabalik habang tinutungo ang kinauupuan nila. May kanya kanya silang hawak na baso at humihigop doon, marahil ay kape iyon.

"Upo ka" yaya ni Rodora. Agad naman akong naupo sa tabi nila.

"Gusto mong pagtimpla kita ng kape?" maya maya'y alok ni Tetet. Agad akong umiling dahil nakakahiya naman kung sya pa ang gagawa non.

"Ako na" nakangiti kong ani sa kanila bago tumayo at magtungo sa kinalalagyan ng Termos at kung ano anong kapeng andoon.

Habang hinahalo ang kape ko ay hindi ko maiwasang luminga linga sa paligid. Namangha ako dahil nagkasyang ang lampas sampong tent sa area namin.

Dumako ang paningin ko sa may bandang dulo kung saan naroon ang naglalakihang sanga ng puno bukod sa malalaking sukat ng bato.

Nagulat pa ako nang may maaninag akong taong nakaupo sa isa sa mga bato. Naka cross leg ang taong iyon habang nakatungo at nagbabasa ng libro. Agad kong nilingon ko sila Tetet na medyo malapit lang sakin.

"Sino yun" tanong ko sa kanila bago itinuro iyong taong nakaupo doon. Agad naman nila iyong nilingon bago ibalik ang paningin sakin.

"Si Adi" sabay sabay nilang sabi. Napa "Ah" nalang ako. Kung ganon ay maaga din syang gumising.

Matapos kong magtimpla ulit ng isa pang kape ay nagpaalam ako sa tatlo. Naglakad ako papalapit sa kinauupuan ni Adi. Ni hindi man lang sya nag angat ng tingin sakin mula nang maglakad ako papalapit sa kanya hanggang sa maupo ako sa tabi nya. Nanatiling nasa libro ang atensyon nya. kung ganon ay pareho sila ni Caile na mahilig magbasa ng libro. Sa isip isip ko.

His brooding demeanor had always intrigued me, and today, I decided to bridge the gap between us. Iniabot ko sa kanya ang kapeng itinimpla ko. Sinadya ko iyon at ang swerte nya dahil sa kanya ko palang iyon nagagawa, This year.

Dahan dahan syang nag angat ng tingin sa kapeng hawak ko patungo sakin. Nang magtama ang mata namin ay talagang kinabahan ako ng konti. Those enigmatic eyes seemed to hold a million untold stories.

Ibinalik nyang muli ang paningin nya sa kapeng hawak ko bago iyon tinanggap. He took a sip of coffee before turning his gaze on the book.

awkward!

"Asan si Keith?" iyon ang naisip kong itanong upang mabali ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Muka kasing wala syang balak magsalita.

"He's still asleep" maikling sagot nya habang hindi inaalis ang kanyang paningin sa libro.

"Buti hindi sya nagising nung lumabas ka" maya maya'y ani ko ulit. Ito ang unang beses na nag usap kami ng kaming dalawa lang.

"Hmm" tumango sya bago inilapag ang kape sa tabi nya at inilipat ang pahina ng libro. Kung ganon ay nagbabasa talaga sya? Akala ko tinititigan nya lang eh. "Tulog mantika ang isang yon maging si Aliyah at KC" dagdag nya pa. Napangiti naman ako nang marinig syang magtagalog sa kauna unahang beses. Ang akala ko'y hindi sya marunong magtagalog pana'y english kasi tsk!

Forbidden Connection Where stories live. Discover now