10

393 127 9
                                    

Aqui's POV

"CHEERS!!!" sabay sabay naming saad, matapos magkalampagan ng aming mga baso ay sabay sabay din naming ininom ang laman noon.

Napuno ng halakhak ang kinaroroonan namin, sari't saring mga kwento ang aking narinig; mula noong wala pa kami ni Caile hanggang sa magtransfer kami sa paaralang iyon, maging ang kalokohan nila ay hindi nila ipinagdamot na ibahagi.

Pakiramdam ko ay abot langit ang tuwa ko, ang simpleng bonding ay naging daan upang mas makilala ko sila ng todo.

"Lahat uuwi ng may tama!" biglang sigaw ni Keith na sinundan ng pagsang ayon ni Aliyah, KC at Caile.

"Makasang ayon ka naman, eh ang onti onti ng iniinom mo!" Mahinang bulong ko kay Caile.

"Duh? Syempre ako maghahatid sa inyo!Ikaw nga kanina kapa tawa nang tawa dyan!" bigla ay singhal nya sakin. "Sabihin mo nga sakin, may gusto ka ba don?" nakataas na kilay na tanong nya. sino??

"Sino?"

"Sino pa! Edi yung Sam na yon!" bigla ay sigaw nya, agad ko syang pinanlakihan ng mata!

"Uyyyy! Sino yang Sam na yan" mapang asar na tanong ni Aliyah na sinundan ni KC!

"Baka boyfie nya!"

"Ipakilala mo naman samin!" sabat ni Keith!

"Alam nyo ba guys kamuka nya si---Ouch!!"

Daing nya matapos kong tapakan ang paa nya! Agad ko syang sinamaan ng tingin, sinimangutan nya naman ako. Bumaling ako sa mga kaibigan namin.

"Hindi ko sya boyfriend" nginitian ko sila matapos non.

"Dito!!" Napatingin ako kay Keith nang itaas nya ang kamay nya, sinundan ko ang paningin nya at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang halos lahat ng kaklase namin!!

"Ito ang party!" masayang ani ni Caile na ang paningin ay nasa papalapit naming kaklase.

"Tinawagan ko sila" animo'y excited na saad ni Keith, sakin nya pa sinabi.

Gayon pa man ay napangiti din ako, siguradong mas sasaya ang gabi namin.
Nang makalapit ay agad kaming nagsipagbatian. Agad kong tiningnan kung sino-sino ang andon. Ineexpect ko na sina Tetet, Mark, Paolo, Aj, Ivan, Rodora, Shamira, Angie at Zyra dahil madalas namin silang makasama sa ganitong inuman. Ngunit nagulat ako nang madapuan ng mata ko si Nathan ang class president kasama sina April, Heart at Julienne. Sila kasi iyong mga hindi palasama sa ganito. Maging ang couple ng block namin na sina Verona at Ramil ay andon din.

Matapos nilang magsipag upo ay agad kaming nagsimula. Bagamat medyo lasing na kaming mga nauna dito ay hindi iyon mahahalata.

"Kanina pa kayo dito? Grabe nagsosolo kayo ha!" napatingin ako kay Rodora nang magsalita ito, hanggang ngayon ay humahanga pa din ako sa itsura nya. Kung titingnan mo kasi ay mapagkakamalan mo syang model, kung anong ikinaganda ng muka nya ay ganon din ang kanyang katawan.

"Anim kami teh!" si KC ang sumagot.

"Edi nag aanim! Bakit kayo nag aanim ha!" sagot nya, agad na napuno ng ingay ang kinaroroonan namin. Bagamat maingay na ito kanina ay mas lalo iyong lumakas. Isa din iyon sa kinabiliban ko kay Rodora, kung titingnan kasi ay muka syang masungit pero kabaliktaran iyon ng kanyang ugali.

"Ano pa bang inuungot mo? We're here already! Let the party begin!" masayang ani ni Angie. Napatawa naman ako nang mahina. Sya kasi yung tipo na "campus crush" ang datingin. Madalas syang sumali sa mga pageant, natural sa kanya ang babaeng kumilos, maging ang maayos na postura ng kanyang katawan ay hindi nawawala. Noong una akala ko ay ubod sya ng arte pero kabaliktaran din iyon. Parang mas arte pa nga si Caile sa kanya.

Forbidden Connection Where stories live. Discover now