09

397 131 8
                                    

Aliyah's POV

"Asan na ba yung lalaking yon!" Asik ni Kc, hinihintay kasi namin si Keith dahil sabi nya ay kotse nya ang gagamitin namin papuntang bar pero 30 minutes na kaming naghihintay dito sa labas ng bahay ni KC ngunit wala pa sya!

"Bakit ba ang tagal non! Tumakas lang ako! Kailangan kong makauwi agad!" Inis na reklamo ko. Hindi naman ito ang first time na mag babar kami pero kinakabahan pa din ako sa tuwing gagawin namin ito.

"Relax, girls. I'm sure he's on his way" Kalmadong saad ni Adi habang nakasandal pa sa gate nila KC at nakapasok ang dalawang kamay sa jacket nito. Palibhasa'y ayos lang sa pamilya nya kahit anong gawin nya!

Napaigting ako nang biglang may mag ring, kapit ang dibdib ay hinanap ko kung saan iyon nanggagaling.

"Siraulo anong hinahanap mo eh cellphone mo ang natunog!" singhal sakin ni KC, agad ko namang kinapa sa bag kong dala ang cellphone ko at tama sya iyon nga ang natunog! malay ko ba!

"Hello?"

["Oy ako to!"]

"Caile!" tawag ko sa kanya matapos syang mabosesan.

"Napatawag ka?"

["Malamang para kausapin ka hindi ba obvious!Asan na ba kayo!?"]

Mahihimigan sa boses nya na naiinip na sya sa paghihintay samin!Asan na ba si Keith! Kakalbuhin ko yun eh ghosh!

"Papunta na kami, hinihintay lang namin si Keith"

["Sige sige, bilisan nyo!"]

Matapos nyang sabihin iyon ay ibinaba na nya ang tawag.

Di nagtagal ay nakarinig na kami ng ingay ng sasakyan at halatang kaskasero ang nagdradrive noon. It must be Keith, knowing kung gaano sya hindi kaingat mga drive.

Sabay sabay naming tinanaw ang papalapit na sasakyan hanggang sa huminto iyon sa harap namin. Doon namin nakita ang kabuuang itsura ng kotseng minaneho nya at at talagang napanganga kaming lahat!!

"Woaah" Sabay naming reaksyon ni KC!

"Ang cool ng kotse mo keith!" tuwang tuwa pang ani nya.

"At mukang mamahalin" Namamanghang sabi ko.

"It's the Lexus LC 500"

Sabay sabay kaming napalingon kay Adi! Ang paningin nya ay nasa kotseng kaharap nya. Ano daw? Lexus what??

Muli sa kotse ay dahan dahan nyang inilipat ang paningin nya samin.

"It costs 10.408 Million pesos or even more" Matapos nyang sabihin iyon ay inayos nya ang tayo nya at naglakad papalapit samin.

Agad namang nanlaki ang mata ko! Ganon kamahal??

"Woaah! I had no idea you knew so much about cars" Namamanghang sabi ni keith dito. Kahit kami ni KC ay hindi alam iyon. Bukod sa wala kaming pakeelam sa mga brands basta maganda sa paningin ay binibili namin.

"Sort of" Maikling sagot ni Adi.

"Pwede na ba kaming sumakay Keith?" Excited na tanong ni KC, maging ako ay excited ng sumakay doon.

"Sure, let's go guys!" Masayang saad ni keith bago magtuloy sa driver seat, sa passenger seat naman umupo si Adi habang kami ni KC ay sa back seat.

Hindi pa man nakakalayo ay agad na nagsalita si KC.

"Teka!Teka!"

"Why?" tanong ko sa kanya

Forbidden Connection Where stories live. Discover now